Chapter 23

338 13 3
                                    


Chapter 23:

Halos masuntok ko si Everett nang makita ang iniregalo niya saamin. Dalawang walking stick na ibinalot niya sa paraang alam na namin kung ano ang nasa loob.

"Thank you for the wonderful gift, Everett." Sarkastiko kong sambit.

He sweetly smile. "You're welcome!" Masaya niyang sabi. Proud sa iniregalo niya.

"Anong gagawin nila diyan?!" Takang tanong ni Cryza at parang siya pa ang nahiya sa iniregalo ng pinsan.

"Luh?" Tila disappointed na sabi nito. "Hindi mo alam ang gamit niyan? Para saan pang nag-aral ka?"

Napapikit ako nang mariin at iniwan sila kung nasaan sila. I don't wanna hear any of their nonsense conversation. Dahil panigurado at susumbatan iyon ni Cryza hanggang mag batuhan sila ng mga salita na walang kakuwenta-kuwenta!

"Congratulations." Salubong saakin ni Kuya Yukoshi nang makawala ako sa mga pinsan namin. Adler is with my family kaya pagala-gala ako at nakakapunta sa mga kaibigan ko.

"Congratulations, Hija." Bati rin ni Tita Ericka kasama ang kanyang asawa.

"Thank you po Tita, Tito." Sambit ko saka nilingon rin si Kuya. "Thank you, Kuya." Ngiting saad ko.

"May asawa ka na, I'm happy for Gracille dahil may son-in-law na siya." Sabi ni Tita saakin. "Kailan naman kaya ako magkakaroon ng daughter-in-law sa'yo, Yukos?" Sabay baling niya sa anak.

I chuckled, "Don't worry, Tita. Malapit na rin ang kay Kuya Yukos!" Sabi ko. "If I'm not mistaken he already promise a marriage to Yviene. Yviene is my friend po." Panlalaglag ko kay Kuya.

"Really?" Gulat na sabi niya saka nagtatampo na tumingin sa anak na masama ang tingin saakin. "Why didn't you tell me? Ipakilala mo si Yviene saakin, anak."

"I will, Mom."

Pagkatapos kanila Kuya ay nagpunta naman ako kanila Izzy. Wala si Yve dahil kinuha siya ni Kuya.

"Pretty!" Si Kelsey at kinuhanan nanaman ako ng picture.

I smiled.

"Congrats, Maga. Sa tagal nating magkaibigan hindi ko naisip na magpapakasal ka." Natatawang sabi ni Izzy.

"Well, the Commander used the chief of command. Hindi nakatanggi si Maga." Si Denver na katawanan lang ni Nemo kanina sa may gilid.

Naiilang pa na tumingin si Kelsey sakanila dahil naalala ata yung nangyari sa bar.

"Namamangha parin ako kung paano sila nagsimula ni Maga." Singit naman ni Daia. "Paano nga ba?" Baling nito saakin.

Sumimangot ako dahil hindi naging maganda ang simula namin.

"Wag niyo nang alamin." Sabi ko and then they shrugged.

Kumakain sila habang nakikipag kuwentuhan ako sakanila, panay ang puri ni Daia sa British foods.

"Bakit 'di mo kasama asawa mo?" Si Nemo.

Hinanap agad ng tingin ko si Adler. Nandoon na siya ngayon kasama si Kuya, at ang mga pinsan ko.

Nakatingin siya saamin at pinapanood ako.

You can be with your friends now. Solo naman na kita mamaya. That's exactly what he said.

"I want him to have a quality time with my cousins." Pagsisinungaling ko.

Nakapalit na ako ngayon, hindi ko na suot ang wedding gown dahil mabigat. Buti at naghanda kami ng dress para rito.

"K." Si Daia.

Nagtagal pa ako sa table ng mga kaibigan ko at ngayon ay nag kukuwentuhan na ang mga ito tungkol sa mga nangyari kanina. Si Yve na nakasalo ng bulaklak ko kanina, at sa mga palaro kanina na hindi naman inurungan ni Daia. She's wearing heels pa at may mga pagkakataon na muntik na siyang madapa. Matindi tuloy ang pag-alalay ni Everett kanina.

The Commander's OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon