Chapter 15

409 15 9
                                    


Chapter 15:

Pagkatapos ang bugbog na trabaho sa military base ay bumalik na ako ng HQ para maasikaso ang iba ko pang trabaho doon.

At habang ichinicheck ang ibang papel na naglalaman tungkol sa mga armas na nabili ng pilipinas sa ibang bansa ay tumawag saakin si Mommy.

"Mom?" Sagot ko sa tawag.

"Maga... Your Grandma called me, kailan mo ba balak na bumisita sa mga Alferez?"

Hindi ako nakasagot agad. If ever I visit the Mansion of the Alferez I will have a hard time because of my job. Madami kaming inaasikaso ngayon at hinihintay din namin ang pagdating ng mga iba't-ibang klase ng baril mula sa ibang bansa.

"Hindi ko pa po alam. Siguro kapag nakaluwag na ako sa oras, Mom." I answered.

"Oh okay. If that's so, I'll inform Mama then. Tumawag ka nalang din sakanila kung sakali mang bibisita kana."

"I will Mom. I'll call Everett if ever bibisita ako." Sabi ko.

Natahimik si Mommy sa kabilang linya... nag paalam na ako sakanya na babalik na sa trabaho dahil sa pag aakalang papatayin niya na ang tawag. But I'm wrong, dahil nagsalita itong muli na ikinakamot ko sa kilay ko.

"Kailan mo balak sabihin na engaged ka na kay Adler Langston?" May bahid ng tuwa sa boses ni Mommy ng sinabi iyon.

Natawa naman ako ng marahan. "Pag nakauwi na ako diyan, Mom. Saan mo nalaman?"

"Adler called me earlier, itinanong ko naman kay Yukoshi kung totoo ba, he said yes! Balita ko pa ay inaway ng kapatid mo ang mapapangasawa mo!" Natatawang sabi ni Mommy.

Kahit ako ay napatawa din sa isiping iyon... Nagtawanan kami ni Mommy pero kalaunan ay natahimik nanaman siya.

Napatigil din ako sa pagtawa at tinawag siya.

"Mom?" Takang sabi ko sa kabilang linya.

"Magpakasal na kayo agad Maga." Tanging nasabi ni Mommy.

Iyan din ang sinabi niya saakin nung kailan. Itatanong ko pa sana kay Mommy kung bakit parang nagmamadali siya pero nagpaalam na siya dahil may customer daw sa jewelry shop namin. Hindi ko na siya nagawang kuwestyunin dahil kinatok na din ako Nemo, ipinapatawag nanaman kami sa isang meeting.

"Thanks, Nemo." Pasasalamat ko sakanya at nginitian niya naman ako ng malawak.

"Welcome, mareng Maga!" Tatawa-tawang saad niya.

I chuckled. We also got used to calling each other by our nickname after we became friends.

Sabay kaming nagpunta ni Nemo sa meeting room at nang makarating doon ay ramdam ko na agad ang tensyon.

Kumunot ang noo ko at agad nakaramdam ng kaba dahil alam kong may mali.

"Let's start the meeting." Baritonong boses na sambit ni Adler ng makapasok kami.

Tumingin muna ito saakin sandali pati kay Nemo bago umupo sa swivel chair na nasa dulo ng pahabang mesa.

Umupo ako sa tabi ni Kuya na may matalim na tingin saakin. Alam ko na agad kung bakit masama nanaman ang tingin niya saakin! Tipid akong ngumiti sakanya at pagkatapos noon ay nag focus na ako kay Sergeant Major Romero na siyang mag rereport tungkol sa misyon na hawak niya.

"The team under me failed the mission, Commander Langston..." Tagaktak ang pawis sa buong mukha ng Daddy ni Daia nang ibalita iyon.

Ang misyong nakapailalim kase sakanya ay ang tungkol sa mga drug lord at illegal transactions. Ayon kay Sergeant Major Romero pumalpak ang team niya na mahuli sa akto ang mga drug lords, drug dealer at iba pang may illegal activities sa isang underground economy.

The Commander's OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon