Epilogue:I was... depressed. Very very depressed. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na wala na siya.
Iniwan niya ako. Iniwan niya kami ng anak niya.
The first three months is the most difficult times. Wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa kuwarto namin ni Adler. Kaya naman sila Mommy, ang buong pamilya namin at maging ang mga kaibigan ko ay lumipat panandalian sa bahay namin ni Adler.
Wala akong ibang kasama roon, kundi ang tanging mga katulong lang kaya muntik na akong mabaliw dahil pakiramdam ko ay wala na akong kasama, na iniwan na ako ng lahat.
Kahit si Denver, ang best friend ko, iniwan din ako.
It's very hard to forget. Dahil sa araw mismo ng kasal namin iyon nangyari, pati na rin ang araw kung kailan ko nalaman na buntis ako. Kaya naman ay hindi na ako nag dalawang isip na lumapit sa Psychologist.
Dahil kahit pakiramdam ko na hindi ko na kaya, gusto ko pa rin maging okay ako at maging malakas para sa anak namin.
"How are you feeling today, anak?" Tanong sa akin ni Dad. Ni Mr. Antrius Langston.
Isa siya sa hindi pumalyang bumisita sa akin lalo na nung mga panahon na nawawala ako sa sarili ko.
"Ayos naman po..." Tangi kong na sabi.
Napag usapan na namin ang tungkol sa threat na sinabi niya kay Daddy noon. Pinaliwanag niya naman na nadala lang siya ng galit para masabi iyon at wala talagang balak na gawin. Humingi siya ng tawad sa akin, at sinabing hindi niya iyon magagawa sa anak ni Gracille, maging kay Kuya Yukos na kaibigan ng kanyang anak.
Sa mga nagdaang buwan, hindi lang ako ang nahirapan. Dahil katulad ko, may mga kapareho ako ng nararamdaman.
May kapareho ako ng pinagdadaanan.
Si Everett... At saka si Kelsey.
I saw Everett kung paano niya iniiyakan si Daia. Kung paano niya hinihiling gabi-gabi na sana panaginip lang ang lahat.
Masakit ito para sa kanya, I know that. He waited for her, he was... he was ready to marry her.
"The pain of losing you is immeasurable. I know the biggest star in the sky that is shining the most is you. I hope you are living well in the world of the creator."
Rinig kong umiiyak na sambit ni Everett habang nakatingin sa kalangitan. Nasa garden siya. Lumabas ako para sana magpaantok pero naabutan ko siya roon, tulad ko ay umiiyak.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Alam kong ramdam niya ang presensya ko pero hindi niya ako pinansin, pinanatili niya lang ang mga mata niya sa pinaka maliwanag na bituin.
Hinawakan ko ang tiyan kong malaki na at hinaplos ito. Pakiramdam ko ay nakiki-iyak din sa amin ang anak ko.
"Everett." Tawag pansin ko sa aking pinsan. "She's living well, she's happy. I know that, may ngiti sa mga labi niya bago siya nawala." Mahinang sabi ko.
"It's..." Suminghot siya. "It's hard to live without her. Fuck, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya." Yumuko siya at saka humikbi na naman.
Bumaling ako sakanya at niyakap siya. Yumakap siya pabalik na para bang kailangan na kailangan niya no'n.
"Sobrang sakit, Maga. Sobrang sakit na parang walang gamot na makakapag papawi rito. Ramdam ko yung punyal, n-na tumutusok sa p-puso ko." He sobbed.
Ang matapang at masayahin na Everett ay hinang-hina ngayon sa balikat ko. Para siyang nawalan ng buhay.
BINABASA MO ANG
The Commander's Order
RomanceAntrius Adler Langston, the Arrogant and Naughty Sexy Beast Commander of Special Forces. He is known to be chased by women, and he is very high of himself because he know that all women voluntarily throw themselves at him. But the Commander was wron...