Chapter 8

568 18 0
                                        


Chapter 8:

Nanlalaki ang mga matang itinulak ko palayo sa akin si Adler, nakita ko pa ang dumaang takot sa mga mata niya nang makitang galit akong tumingin sa kanya.

"Y-You..." Marahas akong napatayo mula sa kinauupan ko at mariin na pinunasan ang mga labi ko.

That was my first kiss!

"Maga." Sinubukan niya pang lumapit sa akin at hindi na ako nakakilos nang hilain niya ako sa isang mahigpit na yakap.

Mabibigat ang paghinga ay sinubukan kong kumawala sa kanya pero hindi niya talaga ako binitawan.

"Kelsey will never do that again, she promised to me." Mahinang bulong niya sa taynga ko, napa-awang naman ang mga labi ko. "I-I'm sorry, please. It just the side of my lips."

Sinubukan ko ulit siyang itulak at nagawa ko naman iyon, mapupungay ang mga matang tinignan niya ako.

Umiling ako sa kanya. "Adler, I don't care. Please..." Pumikit ako nang mariin, "I don't care kung halikan ka pa ni Kelsey kahit sa mismong labi mo pa kung iyan ang ikinahihingi mo ng tawad ko." I sighed and shook my head.

He looked at me as he close his lips, he swallowed hard para mapansin ko ang pagtaas-baba nang bato sa lalamunan niya.

He nodded, yumuko siya. "I'm sorry." Bulong-bulong na naman nito. "What do you want me to do?"

Umiling ako sa kanya, "All you need to do is stop this game of yours, Adler. May panahon ako para sakyan ang larong ginagawa mo but it's wasting our time. Bumalik ka na lang sa dating ginagawa mo, at wag mo na akong guluhin, Commander." Mahinahon kong sabi sa kanya.

Nanatili siyang nakayuko, at bahagya pa ako nagulat nang makitang tumulo sa sahig ang isang butil ng luha.

Fuck.

Tumalikod siya sa akin bago nagsalita, "I see, nakikita mo ang ginagawa ko na isang laro para sa 'yo. I love you, Maga, I fucking love you, matagal na." He said.

Hindi ko na naitikom pa ang bibig ko sa sinabi niya. Matagal na? What does he mean?

"Titigilan na kita, as you wish." Hindi na siya muli pang lumingon sa akin at tuloy-tuloy na umalis nang office ko.

Parang lantang gulay akong napa-upo sa swivel chair ko. Mabigat ang pakiramdam ay napahawak ako sa tapat ng puso ko.

Napapikit ako at naramdaman ko ang pagdausdos pababa sa pisngi ko ang isang patak ng luha.

Adler, What did you do to me?

I bit my lower lip at iniyuko ang noo ko sa lamesa.

Ano iyon, Adler?

Mahal niya ako matagal na? How?

I always thinking that Adler just playing a game, paano niya magawang ma-fall sa akin kung napakabilis pa lang ang lahat nang nangyari? And now he said that he loves me? Matagal na?

Itinakip ko ang dalawang palad ko sa buong mukha ko, naiiyak ako at hindi ko malaman ang dahilan.

"Lieutenant Alferez."

Lumipas ang ilang oras na nanatili lang ako sa aking office. Wala namang utos sa akin kaya mas minabuti kong 'wag muna lumabas dito.

"Lieutenant Alferez? You okay?" Naramdaman ko ang papalapit niyang presensya, nag angat ako nang tingin sa labas nang bintana nang office ko at nakitang gabi na.

Tinignan ko ang lalaking nandito na ngayon sa tabi ko.

"Namamaga ang mata mo, did you cry?" Tanong pa sa akin ni Captain Wesley.

The Commander's OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon