Bonus Chapter 1 - LiamXFelice

139 3 1
                                    

                 Bonus Chapter 1

            Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa ganitong sitwasyon pero sobrang ang sakit nung sinabi niya sa akin.  Normally, wala lang sa akin iyong sinasabi niya dahil lagi niya naman na iyong sinasabi at sanay na ako pero this time sobrang nasaktan ako.  This time hindi ko mapigilan ang luha ko sa pagtulo, buti na lang umuulan at hindi halata dahil sobrang bihira ito mangyari sa akin.  That thought should have made me smile pero hikbi lang ang lumabas sa bibig ko dahil paulit-ulit ko pa ring naaalala ang sinasabi niya sa akin.

                It was a very bad day.  Bago pa kami magkita parehas nang mainit ang ulo namin pero the difference is I don’t entertain bad vibes samantalang siya ay gusto laging ganun.  Until this happened . . .

                “Will you just shut up?!” sigaw niya sa akin which really made me speechless kahit matagal ko na naririnig sa kanya iyang linya na iyan parang iba kasi iyong pagkakasabi niya ngayon.

                “I’m tired of your talking!” sabi niya habang kitang-kita sa mukha ang pagkairita which made me feel sick.  Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman niya sa mga ginagawa ko.

                “P-pero gusto ko lang naman tumulong,” nanginginig kong sabi.

                “I don’t need your help,” malamig niyang sabi sa akin.

                Hindi ko na hinintay na makapagsabi pa siya ng masasakit na salita kaya tumakbo na ako paalis sa harapan niya bago pa niya makita na tumutulo na ang luha ko.

                Hindi ko naman akalain na hindi niya magugustuhan iyong ginagawa ko at nakukulitan na pala siya sa kadaldalan ko.   I didn’t know na sumusobra na pala ako.  Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nagre-react ako ng ganito.  Because you like him

                HINDI! I’m sure hindi naman talaga ganoon masakit naman kasi ang pinagsasabi niya.  I feel so pathetic mukhang mas kinukumbinsi ko pa ang sarili ko kaysa sa totoo eh.  Lalo lang ako naiiyak sa pinag-iisip ko eh.   Nakakainis ka, Liam! Dito na lang ako sa ulam para hindi halatang umiiyak mamaya makita pa ako noon siguradong aawayin ng mga iyon si Liam.  Eh ano kung awayin nila? Kawawa naman siya! Ooops! Erase! Erase!

                Hala! Wala ng ulan?! Hindi pa nga ako tapos umiyak eh! Napatingala ako sa itaas at nakakita ako ng payong kaya pala wala ng ulan.  Ahhh . . . bigla akong napatingin sa may hawak ng payong.  Si Liam . . . anong ginagawa niya rito?

                “Bakit ka nagpapakabasa sa ulan?” straightface niyang sinabi iyan.  Grr! Gusto kitang batukan!  You are so insensitive!

                “Wala kang pake!” sigaw ko sa kaniya sabay takbo.  I’m being childish I know pero naiirita kasi talaga ako sa kaniya.

                “Meron dahil na-flood ako ng texts ni Gabby.   Dahil sa akin daw kaya hindi mo siya sinipot sa concert na pupuntahan niyo,” sabi niya na parang naiirita pa.  May number si Gabby ni Liam? Wow ha stalker talaga iyon!  Patay! Nakalimutan ko na may pupuntahan nga pala kami ngayon.

                “Just go ayoko ng maistorbo ka pa,” mahina kong sabi sa kaniya.  Umupo na lang ako sa sidewalk kahit madumi total puro talsik naman na iyong damit kakatakbo kanina siyempre, sumunod naman siya.

                “Actually, kahit hindi naman si Gabby nagtext sinundan na kita, it was just a reason,” nahihiya niyang sabi.  Ignore lang, Felice!

                “I’m really sorry sa mga nasabi ko  kanina,” patuloy niya.

                Bigla akong napaharap sa kaniya dahil inikot niya pala ako and I saw determination in his eyes.

                “Look, once ko lang sasabihin ito okay! I really like what you’re doing for me and hindi talaga ako naiirita sa ginagawa,” he said that while looking away kasi he is BLUSHING! Picture perfect moment ito and I can’t help but smile.  Pero it turned into laughter because he looks so cute.

                “Bakit ka tumatawa?” asar niyang sabi.

                “Ulitin mo nga ulit ung sinabi,” sabi ko sa kaniya this time I’m smiling.

                “Asa ka once nga lang diba?!” sabi niya habang hindi makatingin sa akin.

                “I know pero gawin mo pa ulit iyon sa akin at sasapakin kita, you idiot,” pabiro kong sabi.

                “Anong idiot ka diyan?! Sumusobra ka na ha hindi porket may kasalanan ako sa iyo,” I cut him off with my finger on his lips.

                “Don’t worry hindi kita susukuan even if you’re the grumpiest troll in the world,” sabi ko sa kaniya and I can see his face form into smile which made me laugh while ignoring the stares and the rain.  Who cares I feel happy right now . . .

                There’s a quote that says the person who can make you cry is also the same person who can make you laugh . . .

                (A/N: Happy holidays readers!!! Pahabol bago magresume ang pasok.  I hope ma-ihabol ko ngayong araw ang Bonus Chapter 2 and 3 Wish me luck! P.S. - Refer to the story development of characters to My Anti-Social Boyfriend by katrina supnet)

Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon