Chapter 31 <> Round 2
Euna’s PoV
Dapat talaga kanina pa ako nasa Leisure Room dahil may usapan kami ni Marie ngayong umaga kaso I’m stuck here sa tabi ng puno malapit sa entrance ng buidling. It was like the morning noong hinahabol ako ni Jake pero this time si Ryuu naman. Not that hinahabol niya ako, wish ko lang iyon, I mean mabuti nga iyon para naman matahimik na ako.
Hmmm . . . pati sarili ko nalilito na sa akin. =_=
Mas madali nga kung nagdisappear na lang siya sa buhay ko kaso hindi iyon ang nangyari. I’m stuck here dahil nandoon siya sa entrance ng building flirting with a girl. Teka, medyo may pagka-bitter pa iyong pagkakasabi ko. I’ll repeat flirting with some girl.
Ano pa bang i-eexpect ko sa isang playboy?
Ang aga-aga ang bitter ko. Hindi ko kasi mapigilan, it’s not like wala na akong nararamdaman sa kaniya. it’s going to take some time para mawala iyon lalo na’t lagi ko pa siyang nakikita tapos automatic reaction pa ako lagi na nagtatago pag nakikita ko siya dahil hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa sarili ko dahil nagpadala ako sa mga kilos niya sa akin.
So is it normal to feel like pulling that girl’s long hair?
I sighed, he was laughing with her. Ang saklap lang. Uwi na lang kaya ako? Text ko na lang si Marie na masama ang pakiramdam ko. Tama, ganoon na lang gagawin ko. Inilabas ko na ang cellphone ko at nagsimulang magtext.
“Anong ginagawa mo diyan?” biglang may nagsabi sa tabi ko kaya napalingon agad ako sa kaniya sa gulat.
Hayy, kala ko kung sino si Marie lang pala iyong nagsalita. Teka, ‘di ba dapat nasa Leisure Room na siya?
Tiningnan niya iyong hawak kong cellphone at iyong view na kanina ko pa tinitingnan saka tumingin sa akin ng masama.
“Don’t tell me may balak kang hindi ako siputin?” taas-kilay niyang sabi sa akin.
Aww. . . patay! Nahuli ako ni Marie.
“Eh . . . ‘di ah! Sasabihin ko lang sana na male-late ako ng konti,” todo deny ako sa kaniya.
“Hmm . . . anong ginagawa mo rito at bakit nagtatago ka diyan?” sabi niya looking at Ryuu and the girl bago tumingin sa akin kaya lalo akong nagpanic.
“Hala, hindi dahil sa kaniya ah! Papunta na talaga ako kung hindi lang humarang iyan diyan, swear! “ natataranta kong sabi.
“Euna, ang tinanong ko lang kung bakit nandito ka hindi kung sinong nakaharang sa daan,” Mari said smiling at me with that I-caught-you look.
Amp! Nahuli na naman ako ni Marie! Aarrgh!
“Ehh bigla ko na lang kasi naisip na magtago noong nakita ko siya,” sabi ko habang taas-taas ang mga kamay doing the “I give up” gesture.
“I know the feeling. Anyway, let’s go kasama mo naman na ako ngayon,” she said.
I smiled at her and hold her hand while we walked towards the entrance. Pansamantala ko munang hiniram ang masungit na presence ni Marie at ginaya siya while staring straight ahead, refusing to acknowledge his presence.

BINABASA MO ANG
Game of Love
Teen FictionLove has different meanings for different people In pursuit of its meaning we try to feel it kaya naman you try to fall in love At first you thought it's LOVE at first sight since you felt those special feelings But it didn't work. . . Then you deci...