Chapter 35 <> Elevators and Fears
Pupunta ba ako o hindi?
I know medyo late na para tanungin ko pa iyong sarili ko kung kailan pumayag na ako at natakasan ko na ang Femmes dahil sinabi ko may kukunin lang ako dito sa bahay pero hindi na ako bumalik.
After all that I’m still hesitating. It is so confusing kasi I want and dread to be with him at the same time. I just can’t really understand myself.
Kanina pa ako rito pabalik-balik ng lakad sa front gate kasi hindi ako mapakali sa kakaisip baka nga malapit ng mapudpod iyong sandals ko eh. Kahit ilang beses kong isipin talaga halatang nagmamadali akong umalis kanina sa shop ni Marie. SIguradong magtataka iyong mga iyon tapos mukhang may pag-uusapan pa kanina.
Aaargh! Bakit ba naman kasi ako pumayag?!
Stress na talaga ako. Hindi naman ako ganito kacareless dati. >.<
Pero alam ko rin naman na wala akong karapatang magreklamo kasi I wouldn’t be in this kind of situation kung hindi ko rin naman ginusto. It is so complicated!
Palakad-lakad na naman ako sa front gate ng mag-ring iyong phone ko. Ayan na tumawag na tuloy si Eve. Phew. Buti na lang hindi si Marie. Ligtas ako!!!
-CONVO WITH EVE-
Euna: Eh he . . . Bakit Eve?
Eve: Lagot ka! Bakit hindi ka na bumalik? Nasaan ka ba?
Euna: May gagawin kasi ako eh pakisabi na lang kay Marie.
Eve: Aynako. Kapag nagtampo pa naman iyon matindi!
Euna: Sige na Eve importante lang talaga ito.
Eve: Sige na nga may sasabihin pa pala ako.
(Biglang may nakita akong sasakyan malapit sa amin, I’m pretty sure na si Ryuu na ito)
Euna: Bukas na lang, Eve may gagawin pa kasi ako eh.
Eve: Wait importante ito, tungkol kay—
-END OF CONVO-
In-end ko na iyong call kasi nasa tapat ko na ang kotse ni Ryuu at palabas na siya ng driver’s seat baka kasi marinig pa siya ni Eve.
BINABASA MO ANG
Game of Love
Teen FictionLove has different meanings for different people In pursuit of its meaning we try to feel it kaya naman you try to fall in love At first you thought it's LOVE at first sight since you felt those special feelings But it didn't work. . . Then you deci...