Chapter 5 <> Lovely surprises part 2 XD

177 4 2
                                    

Chapter 5 <> Lovely surprise part 2 XD

"Maka-hoy wagas! May pangalan ako at wala sa akin ang ID mo, Liam," pagtataray ni Felice habang nakapameywang. Magkakilala sila? Teka, Liam? As in iyong Liam Arevalo? @.@

"Who cares?! Ang kailangan ko ay iyong ID ko,"pagmamatigas ng isa. Grabe parang nanonood ako ng Tennis match. Tiningnan ko si Felice.

"Wala nga sa akin. Ano namang gagawin ko doon?" she gave him a 'Duh' stare.

"Malay ko ba kung pinagnanasaan mo iyong picture ko," hamon niya kay Felice at iyong isa naman hindi makapaniwalang sinabi niya iyon. LOLz grabe kung hindi lang ako nagpipigil ng tawa kanina pa siguro masakit tiyan ko kakahalakhak sa kanilang dalawa. XDD

"Wow! Ang hangin mo din ano," sa wakas nakabawi din sa speechless niya si Felice.

"Seriously, kinuha mo ang ID ko kahapon at hindi ako makakapasok kapag wala iyon," kalmado na si Liam ngayon. Tsk. No ID, No Entry pa naman

Natampal ni Felice ang noo niya saka nagsabi," Hala! Oo nga pala ano."

Binulatlat niya ang kaniyang gamit pero walang lumabas na ID sa bag niya kaya tumingin siya sa mukha ni Liam na hindi pa rin natitinag.

"Naiwan ko ata sa bahay," *insert panic expression here*.

"Hindi ka rin papasok dahil hindi ako makakapasok dahil sayo," tumalim iyong mata ni Liam kay Felice pero parang wala lang sa kaniya dahil super focus iyong expression niya na parang may pinaghahandaan. Tumingin si Felice kay Liam then sa akin sabay kindat tapos biglang humarurot ng takbo papasok sa university habang sumisigaw.

"Mauna na ako Eunaaaaaaaaaa!"

Pagtingin ko kay Liam wala na rin siya sa harapan ko habang naiwan ako with a dumbfounded look.

Okay what did just happen? (-_-)?

<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3

AA's Point of View

"Uy Gabby! Anong ginagawa mo diyan sa bintana," bungad ko kaagad sa kaniya pagpasok na pagpasok ko palang sa Leisure Room.

"Huwag kang magulo kailangan masilayan ko ang mahal ko bago magsimula ang klase," sabi niya habang todo tingin sa bintana.

"Paano mo naman iyan makikita nasa 3rd Floor ka pa ng building," reply ko habang nilalapag ang bag ko sa upuan.

"What do you think of me? Siyempre, prepared ako kaya mayroon akong binoculars," pagmamalaki niya habang pinapakita ang hawak niya. Nice, prepared nga ang loka! XD

"Stalker ka na ba ni Edge kaya may ganiyan ka?" biro ko sa kaniya. XD

"Excuse me noh! Maganda ako kaya secret admirer ang tawag sa akin ;)" At sa wakas lumingon din siya sa akin.

Nilabas ko na iyong notebook ko dahil gagawa pa ako ng assignment bago magsimula ang klase. Matatapos ko na sana iyong assignment ko ng bigla siyang sumigaw.

"AA! Halika rito tingnan mo ito bilis!" at dahil na-curious ako pumunta naman kaagad ako sa kaniya. Paglapit ko binigay niya kaagad iyong binoculars sa akin kaya pumuwesto na ako sa bintana.

"Bilis tingnan mo iyong pader sa bandang kaliwa!" pagmamadali niya.

"Ano namang meron sa pader, Gab?" nilingon ko siya saka tinaasan ng kilay.

"Tumingin ka muna kasi," pilit niya.

"Okay, eto na nga ohhh!" lumingon ako sa pader at nanlaki ang mga mata ko kahit singkit XD," Hala! May umaakyat sa pader na lalaki!"

Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon