Chapter 1 <> That first interaction. . .
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumakbo. Hindi ko rin mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Gusto kong tumakas hanggang sa mapag-isa ako. Ayokong makita ang pagmumukha ng damuhong lalaki na iyon! Pagkatapos niya akong lokohin, siya pa ang may gana na sabihing ako ang may kasalanan. Ako pa ang may kasalanan kung bakit pinagpalit niya ako.
Aray! Tingnan mo naisip ko lang siya nadapa pa ako! Walang hiya talaga siya! At ako namang si tanga nagpaloko pa. At wala akong nagawa kundi humagulgol lang dito sa gilid ng daan. Buti sana kung napakaganda at sexy ng ipinalit niya sa akin eh mukha namang sa tabi-tabi niya lang kinuha. Nagkakasala pa tuloy ako dahil kung anu-anong iniisip ko sa babae niya kasi naman totoo talaga.
Nakakainis pa dahil ayaw tumigil ng mga mata ko sa pag-iyak. Leshe talaga siya! Ang sakit talaga ng ganiwa niya sa akin. Bakit ba ganito samantalang nagmahal lang naman ako tapos ito pa ang igaganti niya sa akin. Bakit ba hindi pa ako nadadala pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko. Umaasa-asa pa kasi ako nag makakahanap din ako ng matinong lalaki. Akala nila balang araw makakaganti rin ako sa pinaggagawa nila sa akin.
Makahanap na nga lang ng tissue sa bag ko. Ano ba ito? Pati tissue ko naubos na at lalo pa akong naiiyak dahil naalala ko kung bakit hindi ako nawawalan ng tissue dahil lagi na lang pala akong umiiyak. Napahagulhol na lang ako dahil sa awa sa sarili ko lagi na lang akong umiiyak dahil sa mga pesteng lalaki na iyan. At wala pa akong maipunas sa luha ko dahil nakalimutan kong magdala ng panyo. Tiyak mukha na akong gusgusin nito, mugto ang mata at iyak ng iyak. Pati damit ko basa na dahil hindi ko pa rin mapigilang umiyak.
Natigilan ako dahil biglang may lumitaw na paa sa harapan ko kaya naman ako napatingin pataas at naharap sa mukha ng isang lalaki.
Schucks! Ideal Man ko ba ito?! Messy hair – Check
Maputi – Check
Chinky brown Eyes – Check
Matangos na ilong – Check
Kissable Lips – Check
Pero hindi iyon ang nagpahinto sa akin sa pag-iyak kundi ang expression nito sa mukha. Nakakunot ang noo na nakatingin ito sa akin kaya mahahalata na ayaw nito sa ginagawa nito at napipilitan lang. Iyong aura kasi nito ang sungit ng dating. Naku kung hindi lang ako HB, type na talaga mysterious and aloof pa naman Sasama pa sana ang loob ko sa lalaking ito kung hindi ko nakita ang pag-aalala sa mata niya kahit hindi naman niya ako kilala.
“Miss, gamitin mo itong panyo ko,”pati boses niya ay puno ng pag-alala kahit walang reaction na makikita sa mukha niya. Buti pa itong lalaki na ito may pakialam sa mga nararamdaman ng mga babae.
Kinuha ko ang panyong inaalok niya at dali-daling nagpunas ng mukha. Nakakahiya naman kung patuloy niya akong makikita sa ganoong ayos. Sana lahat ng lalaki katulad niya dahil kahit unang kita ko pa lang sa kaniya ay tiyak kong inaalagaan niya ang mga babaeng napapabilang sa buhay niya at sobra akong naiinggit sa kanila.
BINABASA MO ANG
Game of Love
Genç KurguLove has different meanings for different people In pursuit of its meaning we try to feel it kaya naman you try to fall in love At first you thought it's LOVE at first sight since you felt those special feelings But it didn't work. . . Then you deci...