Chapter 21 <> Gone
July 16
Hmmm . . .
I could get use to this. Ang lambot ng kama. Ang sarap pa matulog kaso may istorbo. Arrgh! Ang taas na ng araw. Ang sakit na tuloy sa mata ko. I still want to sleep besides weekend pa rin ngayon, rest day! Isasara ko na lang iyong kurtina tapos matutulog ako ulit at wala nang istorbo.
I opened my eyes and got up para puntahan iyong bintana at isara ang kurtina.
Teka lang?!
Hindi naman ganiyan ang puwesto ng bintana sa kuwarto ko. Come to think of it, hindi ganito ang itsura ng kuwarto. In fact, hindi ito ang kuwarto ko. Kung hindi ito ang kuwarto ko, nasaan ako??
Don’t tell me may nangyaring hindi maganda sa akin?!
Hinatak ko iyong kumot papunta sa akin at lumabas ang isa pang katawan.
May lalaki sa kama?! A half-naked man!!
Wait. Breathe in. Breathe out. Let’s summarize the situation.
I am in a bed, in an unknown room with a man beside me. Yes, no reason to panic, right?
Aammmphfffh!!!
Tinakip ko sa bibig ko ang kumot para hindi magising iyong katabi ko sa sigaw ko.
Anong gagawin ko?
I looked at his side of the bed to see his face.
How did this happen? Bakit katabi ko si Ryuu?? T_T
I must have fallen asleep. Besides, intact naman ang lahat ng body parts ko at maysakit siya so I think there’s no reason to worry. I searched my pocket for my cellphone. Phew, buti na lang nandito pa iyong cp ko. I looked at the time. Hmm . . . maaga pa, 8 am pa lang.
Shit! Patay ako sa nanay ko!! Hindi ako umuwi at natulog pa ako sa bahay ni Ryuu. Kailangan makauwi na ako, or else, I’m dead!
Kinalas ko na iyong katawan ko sa kumot at dali-daling umalis ng kama kaso biglang hinawakan ako ni Ryuu. Napatingin ako sa kaniya kasi baka nagising pero hindi naman. Tinanggal ko iyong kamay niya.
“Don’t go,” he murmured so quietly that I almost didn’t hear it. I looked at his still sleeping form and sighed. He’s still asleep. I resist the urge to touch his face since muntik na akong mahuli kagabi samantalang titig lang iyon, ah.
Huh? Nananaginip pa ata ito eh. Tch! I can’t waste time kailangan makauwi na ako. Lumabas na ako ng kuwarto ni Ryuu at kinuha iyong gamit ko. Wait, kailangan magpaalam ako. I need a ballpen and paper kaya hinalungkat ko iyong gamit niya. Nahagip ng kamay ko ang isang nakataob na picture frame. Hmm . . . bakit kaya nakataob? I felt curious kaya tiningnan ko. It was a picture of two teenage boys smiling with their arms around each others shoulders. I’m pretty sure na si Ryuu iyong isa pero hindi ko kilala iyong kasama though his face is familiar.
Nakita ko na iyong hinahanap ko and I quickly wrote a note telling him na umalis na ako and to drink his medicines. Lumabas na ako kaagad ng flat after making sure na walang tao sa hallway. Nakakahiya kaya dahil iyong suot ko parehas pa rin ng kahapon. Tsk. I don’t have time to worry about that.
BINABASA MO ANG
Game of Love
Teen FictionLove has different meanings for different people In pursuit of its meaning we try to feel it kaya naman you try to fall in love At first you thought it's LOVE at first sight since you felt those special feelings But it didn't work. . . Then you deci...