Chapter 2 <> Si Transferee

265 7 5
                                    

Chapter 2 <> Si Transferee. . .

Unti-unti akong nagising sa ingay ng dalawang lalaking nagbabangayan.  Napamulat ako bigla dahil napansin kong madilim pa rin pala at nakaupo ako sa isang unfamiliar na driver seat dahil iba naman ang kulay nung sa akin.  Kanino ba ito?  Patuloy pa rin sa pag-aaway iyong dalawa.  Medyo pamilyar sa akin iyong isa, hindi ko lang masyado makita dahil sa dilim.  Iyong isa naman nakatalikod sa akin.  Lumakas pa lalo iyong mga boses nila.

“You told me the road is closed!” paasik na sabi nung lalaki.  Teka, sino ba ito?  Pamilyar iyong boses eh para kasing narinig ko na dati.

“It is closed.  We’ve been there before,” kalmado namang sabi nung isa.  Eh si Jullian Levesque pala ito eh!  Namukaan ko na rin dahil medyo nakapag-adjust na iyong mata ko sa dilim.  Ano bang ginagawa nila dito?  

“Then why  is she here?” Tsk. Tsk Tsk.  Nagkakapikunan na este siya lang pala, si Unknown, hindi ko alam pangalan eh. XD

“Well, her car must have broken down before the race,” Jullian smirked.  Aba, close siguro itong dalawa, nang-aasar pa eh.

“Baka-desu! I shouldn’t have agreed to this race! What if I did hit her?” nagpupuyos pa rin sa galit itong isa parang baliktad ata kami ah samantalang ako naman ang nabangga.  Trauma???

“Well you didn’t,” kampante pa rin itong si Jullian, happy-go-lucky talaga.  Pagtingin ko sa kanila ulit, nakatingin na pala silang dalawa sa akin.

Si Jullian parang nakakita ng multo, di niya siguro ako nakilala.  Lagot ka kay Marie! Hahaa! Patay ka pag nalaman niya ito.  Itong isa naman no reaction lang ata di ko maaninag lahat ng bahagi ng mukha niya eh pero in fairness ha, ramdam ko ang aura ng kasungitan niya, grabe.  Lumabas na lang ako sa kotse, kung sino man ang may-ari nito, para humingi ng tulong sa kanila dahil gagabihin na ako.

“Ahmmm. . .” panimula ko nung nakalapit na ako sa kanila pero biglang sumingit si Jullian na paatras ng paatras sa amin.

“Ah ano Euna una na ako ah, pasensya na pala tsaka favor sana huwag mo na lang sabihin kay ano basta alam mo na iyon tsaka ako na pala bahala sa sasakyan mo ipapadala ko na lang tomorrow.  Geh una na ako.  Bahala ka na, pre ah!” sabay takbo niya papuntang sasakyan niya at umalis papalayo.  Grabe atat siya ah, makalayo naman wagas.  Natatawa tuloy ako sa kanya pero biglang may tumikhim.

Napalingon ako sa lalaking nasa harapan ko.  Hala ka parang gusto kong himatayin ulit.  Siya nga iyong lalaki na nagbigay ng panyo!  Grabe parang mas lalo siyang naging pogi! Ay Erase! Erase! Na-shock lang talaga ako, Promise! Akala ko namamalik-mata ako pero siya pala talaga!  Hindi ko akalaing magkikita pa kami.

“C’mon, I’m going to give you a ride to your home,” nag-snap out ako sa pagkakatitig sa kanya.  Ano ba iyan masyado naman akong obvious!  Kasi naman hindi talaga ako makapaniwala na magkikita kami ulit.  And speaking of pagkikita, hindi niya ata matandaan eh.  Sumakay na ako sa kotse niya baka kasi lalong madagdagan ang level ng kasungitan nito.

“Where is the direction of your home?” Naku naman! Duduguin ako sa pagiging englishero nito.  Tsk. No choice.  Nag-explain ako in English at sana hindi mali ung pinagsasabi ko pero mukha namang na gets niya kasi hindi na nagtanong sa akin.

Ang weird ng atmosphere dito sa loob.  Sobrang awkward kasi wala namang nagsasalita, alangan namang magpaka-FC ako sa kanya eh sobrang pahiya na nga ako kanina eh.  Hingang malalim para may lakas na ng loob.  Nang magsasalita na ako bigla namang tumigil ang sasakyan at nagsalita siya.

“We’re here,” grabe nakabuka pa ata iyong bunganga ko kasi nga pasalita na ako eh pero no reaction pa rin siya.  Naman oh, mawawalan ata ako ng dignidad dahil sa lalaking ito este masungit na lalaking ito, pahiya na lang ako lagi. T_T

Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon