Chapter 33 <> Twenty Questions

45 2 2
                                    

Chapter 33 <> Twenty Questions

                Euna’s PoV

                Nahihilo pa rin ako ng maka-uwi ako dahil sa information overload na sinabi ni Meg kanina.  And the more I think about it, mas sumasakit ang ulo ko.  I mean, ano bang dapat kong gawin.  Paano kung may nararamdaman talaga siya sa akin and biktima lang siya ng circumstances?

                Aish!  Makapasok nga muna ng bahay.

                “Ateeee!  Bakit ngayon ka lang?!” bungad sa akin ng kambal ng pagbuksan nila ako ng pinto.

                Anong nangyari sa dalawang ito?

                “Kalma.  Ano ba iyon?” nagtataka kong tanong sa kanila.

                “Si mama kausap si Ryuu!!!” sabay nilang sabi sa akin.

                WHAAAT!

                Pagpasok ko sa bahay dumiretso ako agad sa sala para makita mismo ang sinasabi ng kambal.  Sa kasamaang palad totoo nga! T_T

                “Ma!” tawag ko sa atensiyon niya.

                Nilingon niya ako at kinabahan ako lalo sa nakikita kong expression  niya because she really looks like she’s having fun!

                “Go straight to your room, Euna,” utos niya.

                Hala!

                “Pero, ma—“ kontra ko sana kaso ayaw pa rin niya.

                “Go upstairs,” ulit niya pero mas matigas na iyong boses niya.

                Tiningnan ko si Ryuu and as usual he looks calm pero his eyes look really nervous.  Gusto ko sana marinig kung anong pinag-uusapan nila kaso ayaw ni mama kaya wala rin akong nagawa kundi sumunod.  Pagdating ko sa kuwarto, nagbihis na lang ako para may magawa kasi sobrang hindi ako mapakali dahil wala ako roon sa baba.

                Aaaargh! This is so annoying! >.<

                Gusto ko malaman iyong pinag-uusapan nila!

                Kahit ano . . . kahit konti lang! I want to know! T_T

                Kasi naman ang wrong timing ng punta niya atsaka bakit nauna pa siya sa akin dito.  Pero ang malas talaga kasi nasaktuhan niya ang maagang uwi ni mama. 

                Anong gagawin ko?

                Ang complicated naman nito

                Eh bakit kasi pumunta siya rito?

                baka kaya . . .

                assuming na naman . . .

                Assuming agad hindi ko pa nga natatapos sasabihin ko eh baka may sasabihin lang.

                Eh kung silipin ko kaya sila malapit sa hagdan?

                Sana hindi ako tanungin ni mama mamaya tungkol sa kaniya.

                Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya kapag nagkataon.

                Hindi ko pa nga alam kung anong magiging desisyon ko sa mga nangyayari. 

Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon