Chapter 3 <> Their significant others. . .

178 3 8
                                    

Chapter 3 <> Their significant others. . .

            Recap:

            Binuksan na namin at ilang segundong katahimikan ang naganap sa kuwarto nang bigla naman umingay dahil sa kaniya-kaniyang nilang comment.

                “Unfair ito!” – AA

                “Is this a joke?!” – Ayumi

                “Ano ba ito?!” – Felice

                “Yes!! Ang galing ko!” – Gabby

                “Pwedeng bunutan ulit?” – Eve

                “Ang malas ko naman!” – Marie

                “Eh sino ba ito?” ang tanging nasabi ko.

<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3

                Minsan may mga oras na sa sobrang kaingayan at kadaldalan namin ay hindi na kami nagkaintindihan but this is one of those rare moments that something could make us shut up.  Sino ba namang hindi matatahimik dahil match made in hell instead of heaven ang binigay ni Marie sa amin. 

                Pero dahil mga babae nga kami at sobrang taas ng fighting spirit, napuno naman ang kuwarto ng ingay dahil sa mga reklamo NILA.  Ano naman ang irereklamo ko samantalang hindi ko naman kilala ang nabunot ko.  He is a big question mark as far as I know.

                “Marie! Gusto mo ba akong mamatay ng maaga bunutan na lang ulit basta huwag si PJ ASUNCION! Of all people siya pa ang nabunot ko!” shocking ang taas ng boses ni AA dahil competitors nila ang mga Asuncion pero hindi nagtagal kinontra naman siya.

                “Huwag kang exaggerated, AA,” sabi ni Gabby bigla sa kaniya at nag-apela bigla kay Marie, “Okay na iyon, Marie! Para naman mag-enjoy ako sa assignment ko! Super duper guwapo kaya ni Edge Monteverde, not to mention his God-given hotness.”

                “And ayon nga sa name niya, He’s always on Edge! Kaya naman baguhin mo na ito Marie baka mabaliw ako sa sobrang anti-social niya.  At pag nababaliw ako magkakaroon ako ng wrinkles dahil sa stress.  Kahit sino na lang basta hindi siya si Liam “The Grouch” Arevalo!” pagda-drama naman ni Felice.

                “Eh dapat pala punung-puno ka na ng wrinkles, araw-araw ka kayang baliw,” at nagpahabol pa si Gabby.

                “Sana di ba pinagsasalita niyo ako eh no.  Akala niyo kayo lang nagsisisi gusto ko rin kaya magback-out pero - ,” at naputol na naman ang sinasabi ni Marie dahil inulan na naman siya ng protesta.  Napabuntung-hininga na lang ako dahil sa kakulitan nila este namin pala pero napansin kong nakayuko lang si Yumi kaya naman nilapitan ko siya agad.

                “Yumi, okay ka lang ba?” tawag ko sa kaniya ng mahina at nang paglingon niya sa akin ay nakita kong umiiyak na pala siya.

                Napansin kong wala na palang nag-iingay dahil nakatingin na pala sila sa amin.  Bigla naman kaming dinumog ni Yumi at hindi sila magkandamayaw sa pagtatanong kung bakit pero umiiyak pa rin si Yumi.

                “Kung gusto mo Yumi papalitan ko na lang iyong choices o kaya exempted ka na,” biglang sabi ni Marie na sobrang concerned na ang itsura.  Sino ba naman ang hindi dahil bihirang umiyak si Yumi at kapag umiyak siya ay siguradong nasasaktan na.

Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon