Prologue

253 2 1
                                    

Prologue

                “Jake, let’s break up,” bigla ko na lang sabi sa latest boyfriend ko na soon to be ex.  Gusto kong matawa dahil biglang nagdisappear ang kanyang permanent egoistic smile na ilang buwan ko nang pinagtitiisan, 5 mos. to be exact na kung tutuusin ay pinakamatagal ko ng span ng relationships. 

                “Hindi magandang biro iyan, Euna,” pilit siyang ngumingiti kaya naman gusto ko ng magpigil ng tawa.  Hmph! Buti nga sayo.  Dapat sa mga katulad mo ay tinuturuan ng leksyon.  Ehh, nahahawa na ata ako sa expression ng masungit kong kaibigan na si Marie.  Tsk! Di puwede, bad vibes ako hanggang mamaya pag nagpatuloy ito kaya mamadaliin ko na lang kumalas sa kumag na ito.

                “Fine with me, di naman kasi ako nagbibiro, ,” sukang-suka na talaga ako sa lalaking ito.  Hinawakan niya pa ang mga kamay ko.  Talaga namang nakakawala ito ng pasensya oh.  Kalma lang, Euna.  Breathe in. Breathe out.  Alalahanin mo pasensyosa ka, hindi nga lang madalas.

                “Honey naman pag-usapan natin ito.  May problema ba tayo?  Sabihin mo aayusin natin,” di ko in-eexpect ito ah, nagmakaawa ang loko.  Na-inlove ata ito ng todo sa akin ah pati ba naman ang kaniyang napakalaking pride nilunok para sa akin.  Nakaramdam tuloy ako ng awa dito sa mokong na ito.  Kaso hindi pwedeng maawa, kailangan ko itong gawin para maturuan ang lalaking ito ng leksyon at di na umulit pa, para naman mabawasan ng isang lalaking manloloko ang mundo.

                “Akala ko pa naman, hindi totoo ang sinasabi nila tungkol sayo na playgirl ka!  Iyon pala katulad ka rin ng ibang babae diyan.”  Kung makapagsalita naman ito, kala mo siya hindi playboy.  Kaya lang naman ako ganito dahil sa mga lalaking katulad mo.  Naku!! BV na talaga ako sa lalaking ito.

                “Akala mo lang iyon! Kasalanan mo naman eh nagtiwala ka pa kasi.”  Aasarin na lang kita ng makarma ka pa ng todo-todo.  Na-guilty pa ako sayo di ka naman karapat-dapat.

                “Tandaan mo ito, masasaktan ka rin ng sobra katulad ko at magmamakaawa kang bumalik sa akin.”  In your dreams!  Wala yata sa plano kong balikan ang mga damuhong katulad mo.

                “Well, I guess this is goodbye dahil wala na tayong rason para magkita pa.  Ciao, Jake!,” At another job well done na naman ako.  Tapos na ang aking latest target kaya naman mawawalan na naman ako ng stress sa mga lalaking jerk katulad ni Jake.  Time to find another one I guess. . .

                 . . . because I am a certified heartbreaker.

Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon