Chapter 27 <> The Truth
5 days later . . .
Meg’s PoV
Haayy . . . *Yawns*
I’m so sleepy. =_=
Ang aga pa trabaho na kaagad inaatupag ko. Aish! Sakit talaga ng ulo ang hatid sa akin ni Marie. Oh well, mas masakit sa ulo ang parents ko so medyo swerte na rin ako. Medyo lang. -_-
Binuksan ko ang pinto sa kuwarto ni Marie at sobrang naiinggit ako sa ginagawa nila.
Bakit?
Kasi lahat sila natutulog pa, nagkalat sila sa kuwarto ni Marie at gumawa ng kaniya-kaniyang tulugan.
I want to sleep! T_T
Naiinggit ako sobra!
Ooops! Hindi pala sila lahat tulog. Nahagip ng mata ko si Marie na lumabas sa isang pinto. Sa bathroom siguro? I don’t know. Ngayon lang kasi ako nakapasok sa kuwarto nya. Napakamasikreto kaya ng babae na iyan.
“Bakit gising ka na sila hindi pa?” curious kong tanong sa kaniya dahil mukhang mahimbing pa iyong tulog nila kahit malapit ng magtanghali.
“Hindi naman kasi ako lasing,” sabi niya habang napapa-iling.
“Hala uminom kayo?” di-makapaniwala kong sabi.
“Pampalubag-loob daw sabi ni Felice at Gabby dahil nga sa nangyari kay Euna. Ewan ko ba kung bakit pati sila lasing samantalang si Euna wala pa sa kalahati iyong wine bagsak na,” reklamo ni Marie.
“Baka pati sila na-shock dahil sa nangyari pero hindi talaga ako makaget over na nag-inuman kayo. Buti pinayagan kayo ni Tita,” sabi ko na namamangha kasi strict kaya ang mama niya.
“Wala kasi si mama kaya ni-raid nila iyong cabinet na may wine,” explain niya.
“Huh? Andiyan kaya si Tita sa baba siya pa nga nagpapasok sa akin dito sa bahay niyo,” nagtataka kong sabi.
“Huh? Si mama? Akala ko umakyat ka ng bakod kaya ka nakapasok,” tulala niyang sabi.
Hindi pa ata nagsi-sink in iyong sinabi ko sa kaniya.
“Marie, hindi ako magnanakaw para umakyat ng bahay. Informant ang trabaho ko, okay. Iba na naman iyong na-i-imagine mo eh,” asar kong sabi sa kaniya.
“Aahhhh! Si mama nandito sa bahay!! Patay talaga ako!!!” sigaw ni Marie bigla saka dali-daling lumabas ng kuwarto.
Nagsink in na ata. XD
<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3
After a while . . .
Sa wakas, nagising na rin sila kaya nagtipon kami sa dining table nila Marie. Substitute muna ito kasi wala kami sa Leisure Room.
BINABASA MO ANG
Game of Love
Dla nastolatkówLove has different meanings for different people In pursuit of its meaning we try to feel it kaya naman you try to fall in love At first you thought it's LOVE at first sight since you felt those special feelings But it didn't work. . . Then you deci...