Chapter 4 <> A lovely surprise

154 4 6
                                    

Chapter 4 <> A lovely surprise. . .

Recap:

"Please insan! You have to help me. I love her so much! Break her heart and I know that she will return to me," pagmamakaawa ko sa kaniya.

Bumakas ang gulat sa mukha niya at pagkabahala pero nawala din agad ito.

"Just forget her," sabi naman niya pero hindi ko makakaya iyon.

"I can't please you have to help me!" hindi niya na ako sinagot at lumabas na sa bahay namin pero hindi ko na siya hinabol dahil alam kong tutulungan niya ako dahil alam niya kung anong pakiramdam ng isang niloko.

<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3

Sobrang sakit na ng mga paa ko pero hindi ako maaaring huminto kailangang tumakbo lang ako. Kaso sa bawat pagtakbo ko ay parang lalo akong bumabagal at hindi nakakalayo sa kaniya parang lalo niya akong nahihilang pabalik. Pero ayoko! Kailangang makalayo ako sa kaniya kahit tumakbo pa ako habang buhay.

Pero ang labis kong pinagtataka ay hindi ko alam kung ano ba o sino ba ang pilit na humahabol sa akin basta ang alam ko lang kailangan kong tumakbo palayo at huwag magpahuli sa kaniya. Hindi ko alam kung gusto ko bang makita ang humahabol sa akin pero nanaig pa rin ang kuryosidad kaya naman lumingon ako sa likod

Si Jake?! Pero bakit niya ako hinahabol? Tumuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo bigla akong nadapa at alam ko malapit niya na akong, abutan at alam ko kapag nahuli niya ako hindi na niya ako pakakawalan. Pero hindi ko talaga maintindihan, palapit na ng palapit ang mga yabag niya at hindi na ako nag-abalang tumakbo dahil alam kong maaabutan niya pa rin ako.

May biglang sumigaw ng pangalan ko at sa buong buhay ko ngayon lang ako natuwa na masigawan dahil sa wakas nagising din ako sa masamang panaginip na iyon. Ang aga super bad vibes na. >.<

"Ateeee!!!! Gising!! May bisita kaaaaa!!!! Tumayo ka na diyan!!!" tuloy-tuloy pa rin ang sigaw ni Nina kahit nagmulat na ako ng mata. Okay pa iyong sigaw kaso may kasamang hampas bawat salita.

"Nina naman tahimik na gising na ako," sabi ko habang sinasalag iyong mga palo niya.

"Tumayo ka na at inaantay ka ng bisita mo!" sigaw niya pa rin habang nakapameywang. Kinuha ko siya saka niyakap at umusal ng thank you. :)

"Baliw ka ate! Bigla ka na lang nangyayakap!" at nasigaw na naman siya. Bumaba siya ng kama at dumiretso na sa pinto pero bigla ko siyang tinawag dahil may naalala ako sa sinabi niya.

"Bisita? Ngayong umaga? Femmes ba?" Sino kayang bibisita ng ganito kaaga at may pasok pa.

"Oo nga bisita. Eh kung bumaba ka na kaya para makita mo na lang, andami mong tanong eh," hay. . . minsan hindi ko alam kung ate ba ako o mas matanda pa sila sa akin. =_=

Kinalimutan ko muna ang masamang panaginip ko at naghanda na para pumasok. Naligo na ako at nagbihis para kakain na lang ako pagbaba ko. Tutuloy na sana ako sa hagdanan ng pagsilip ko ay nakita ko si Ryuu na kausap ang kapatid ko. Ahhhhh. . . okay. Loading. . . Loading . . . Ryuu?! Bakit nandito siya???? Wala pa naman akong ginagawa para mapapunta siya dito. Bakit kaya hindi pa nga ako sure kung anong gagawin ko para ma-fall siya. =_=

Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon