Chapter 10 <> And the game begins. . .p2
This day is so exhausting! >0<
Gusto ko nang umuwi kaso tinatamad ako brain drain ang peg ko dahil sa major ko. Naisip ko lang parang masyadong madaming pangyayari simula nung pasukan. Take note, maraming bumalik galing sa past hindi lang iyong mga dating umalis kundi pati iyong mga dating issue na kinalimutan na bumabalik pa. Kung kalian bumalik na kahit papaano sa normal iyong mga buhay naming ng mga femmes nagiging kumplikado na naman. Haaayyy . . . mauubusan ako ng hangin kakabuntung-hininga ko dito.
“Are we going to sit here all day?” biglang may nagsabi sa tabi ko. Waaaaahhh! o.O
Napalingon ako kaagad at muntik na akong napatalon kasi katabi ko na pala si Ryuu.
“Grabe ka naman! Gusto mo ba akong patayin sa gulat bigla-bigla ka na lang lumilitaw,” sabi ko habang pinapakalma iyong puso ko.
“Masyado ka kasing busy kaya hindi mo ako napansin. Besides, tulala ka nga diyan,” he said habang nagpipigil ng tawa. Arrgh! Lagi na lang akong ginagawang clown nito. >.<
“May iniiisip lang ako kaya ganoon. Anyway, ano bang ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya. Isa pa ito eh nagbalik at ginugulo na naman ang nananahimik kong buhay.
“Isn’t it obvious, sinusundo ka. Nakalimutan mo na ba, kaagad?”sabi niya. Naku lalong nagiging singkit iyong mata niya naba-bad trip na ata.
“Oo nga pala, ang dami kasing nangyari kanina ngayon ko lang naalala,” alanganin kong sabi. Peace! XD
“Nakakasakit ka naman ng pride. Halika na!” tumayo na siya at naglakad na. Hala! Nagtatampo ata! >o<
“Uy sorry na! Promise hindi ko na makakalimutan,” sincere kong sabi habang hinahabol siya. Ang bilis kayang maglakad buti sana kung mahaba ang legs ko. T_T Kaso hindi ko ma-gets kung bakit guilty ako masyado samantalang dati hindi naman ako ganoon masyado.
“Don’t worry. Soon you will not be able to forget me even if you want to,” he said. Grabe! Ang confidence! Hmph! Makikita mo mahihirapan ka dahil hindi ako tulad ng ibang babae. I will do my best to win this game.
“Huwag ka masyadong confident baka magising ka na lang one day talo ka na sa bet,” mabilis kong sagot sa kaniya.
Binuksan niya iyong pinto ng kotse niya at pinapasok ako sa passenger’s side. Kahit independent woman ako iba pa rin talaga kapag may gentleman na tiga-bukas ng pinto. Though maliit na bagay lang pero nakakatouch kapag ganoon. A girl could get use to this but definitely not me.
“Araw-araw bang ganito?” serious kong tanong sa kanya.
“Definitely hanggang sa walang nananalo,” casual niyang sabi.
“I think we should set a time limit,” suggest ko. Baka kasi bumigay ang puso ko pag masyadong matagal, mahirap na nag-iingat lang.
“Good idea pero how long?” tanong niya.
“A month, do you think that’s enough?” sabi ko habang iniisip din kung pwede na.
“Fine by me,” huminto iyong sasakyan sa harap ng bahay kaya lumabas na ako.
“Starting tomorrow?” sabi niya.
BINABASA MO ANG
Game of Love
Fiksi RemajaLove has different meanings for different people In pursuit of its meaning we try to feel it kaya naman you try to fall in love At first you thought it's LOVE at first sight since you felt those special feelings But it didn't work. . . Then you deci...