Chapter 25 <> Time's Up

46 1 0
                                    

Chapter 25 <> Time’s Up

         3rd Person PoV

            This is a mistake.

                Paulit-ulit iyan iniisip ni Ryuu dahil ayaw ata mag-sink sa utak niya.  He continued to stare at her house.  Euna Realdez’s House, to be exact.  Hindi niya alam kung bakit ba siya nagpunta rito.  The next thing he knows nakarating na siya, with flowers katulad ng dati . . . except everything has changed. 

            Napadako ang mata niya sa fence nila and instantly naalala niya iyong gabi na inakyat niya iyon just to hug her.  It felt like idiocy pero at that moment naniniwala siya na when it comes to her everything felt right.

                Pero if its right, bakit parang naghahabol siya para sa wala? He followed his feelings pero mas lalong nagkagulo.  Dapat siguro sinunod niya si Jullian na sabihin iyong totoo pero he doesn’t want to hurt them.   Mas lalong lumala ang sitwasyon dahil this time sobrang naipit na siya.  To the point na sinamantala niya na ang emergency sa Japan para makapagdesisyon kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin.

                He reached his decision last night before going home pero nawalan ng bisa iyon when he saw her last night.  Instead of smiling, may luha sa mata niya.  He felt desperate dahil pakiramdam niya nahuli na siya ng dating.  Borrowed time . . .  The time that he borrowed, is it already up?

                Pero nang sabihin niya na kailangan nilang mag-usap,  he can’t deny na nabuhayan siya ng loob dahil doon na-realize niya kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari.  He doesn’t just want a borrowed time, he wants it all.

                Kailangan niyang itama ang lahat, for her.  She doesn’t need to see him in this kind of condition.  She deserves more at gusto niyang ibigay iyon sa kaniya.  Sisimulan niya iyon sa pagsasabi ng lahat sa kaniya mamayang hapon.

                Umalis sa pagkakasandal sa poste si Ryuu para itapon ang dala niyang bulaklak sa malapit na basurahan.  Pagkatapos tumingin ng huling beses sa bahay nila Euna ay umalis rin ito without looking back kaya hindi niya napansin si Euna na lumabas ng bahay nila.

                Nagmamadaling lumabas si Euna dahil malapit na siyang ma-late dahil hindi siya nagising ng maaga dahil sa night out nila ng Femmes kagabi.  Patakbo siyang lumabas sa pinto pero napahinto siya agad ng may mapansin na isang petal na nasa gitna ng daanan.

                Hindi niya alam kung bakit napansin niya iyon pero hindi niya mapigilang pulutin iyon at pagmasdan.  It felt nice pero bakit parang biglang sumama ang pakiramdam niya at kinabahan siya.  Is this a bad omen?

                Nyeh! Hindi naman ako naniniwala sa ganoon.  Baka coincidence lang and besides ayoko maging negative ngayong umaga para maging resulta ng pag-uusap namin ni Ryuu mamayang hapon, she thought positively.

                Pagkatapos titigan ng matagal ang naiwang petal ay umalis na rin si Euna without knowing na nagpunta si Ryuu sa bahay nila.

<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3

                “Are you sure na gusto mong humingi ng pabor sa akin?” Ryuu asked again to Marie na nakaupo sa harapan niya while sipping her coffee.

                “Nang-aasar ka ba talaga? How many times do I have to say yes?” asar na sabi ni Marie kay Ryuu since hindi niya mapigilan ang uminit ng ulo dahil sa stress na ayaw mawala sa kaniya kanina pang umaga.

                “Are you all right?  Umiinom ka ng kape ngayong tanghali at kung hindi ako nagkakamali nag-cutting classes ka.  What’s wrong?” Jullian said quietly na ikina-panic naman ni Marie.

                “I don’t need your concern.  I need your favor,” Marie said coldly.

                “Well, I’m just worried dahil baka hindi mo magawa ang ipinapagawa ko kapag magbabayad ka na ng pabor,” preskong pagkakasabi ni Jullian.

                “Just go straight to your point,” Marie simply said.

                “Here’s the deal, in exchange for your favor gagawin mo ang ipapagawa ko sa’yo no matter what it is,” Jullian explained.

                “I know that already at pumayag na rin ako,” impatient na sabi ni Marie.  She didn’t notice pero Jullian is still shocked na humihingi ng pabor sa kaniya si Marie dahil kahit kailan ay hindi ito voluntary na nagpapatulong after that incident between the two of them 2 years ago.

                “So what’s the question,” Jullian asked calmly habang umalis sa pagkakasandal niya sa upuan si Marie at lumapit sa gitna ng mesa.

                “What is the relationship between Ryuu Kirizawa and Jake Gonzales?” Marie slowly asked while staring at him intensely.

                Hindi inaasahan ni Jullian na sa lahat ng tanong ay iyan pa ang naisip ni Marie.  He knows that he can’t lie to her dahil more or less alam na ni Marie ag sagot.  She’s just looking for confirmation and of all people he’s the one that she chose to torment. 

                Napabuntong-hininga si Jullian dahil hindi niya malaman kung paano makakalusot kay Marie at sa kaniyang tanong.

                “Iyan na ba talaga ang tanong mo?” Jullian tried to trick her pero ang tanging naging epekto ay parang lalo pa itong nainis sa kaniya.

                “Don’t mess with me, Jullian.  Sagutin mo na lang ang tanong,” asar na asar ng sabi ni Marie kay Jullian dahil nagpapaliguy-ligoy pa ito kaya lalong tumitibay ang hinala niya.

                I’m sorry, Ryuu but ever since then, I promise not to lie to to this girl, Jullian thought apologetically.

                Jullian stared at her determined face and gave her the answer, “ they are cousins.”

                . . . and then Marie felt like fainting.

<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3

 A/N: Good morning~! 1:05 am na kasi nang natapos ko ito.  Anyways, kung may makakapansin man, maikli lang ang chapter na ito compare sa iba kasi I decided na mas paikliin ang chapters ko para mas makapa-UD ako ng maaga dahil sa sobrang haba minsan inaabot ng ilang lingo.  Hopefully, starting now, I’ll try to update once or twice a week hanggat kaya ng schedule ko kasi hectic din po ang schedule ng isang Bio student and since I love my parents nag-aaral ako ng mabuti.  XD I hope you understand that.  As usual, I hope you enjoy reading this chapter though sa tingin ko its crappy kasi I hate writing sentimental chapters lalo kapag hindi naman senti ang mood ko.  Errors and etc. pagpasensiyahan na po! Read. Vote. Comment.  Enjoy.!  P.S. Comments are very appreciated XD

Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon