Chapter 30 <> The Warning

49 2 0
                                    

Chapter 30 <> The Warning

         Ryuu’s PoV

            “So, anong gusto mong gawin?” Jullian said pagkatapos kong sabihin sa kaniya at kay Allen ang nagyari this past few days.

                “To be honest, hindi ko rin alam.  She looks so miserable at ako ang may kasalanan noon,” I said while rubbing my hands on my face.

                “Let’s rephrase the question, disregarding what you saw, what do you really plan to do?” ulit ni Allen sa tanong.

                “Of course, I want her back,” agad kong sabi without any hesitations.

                “So, why not try again?” sabi ni Jullian while texting sa phone niya.

                “Hindi naman pwede i-disregard ko na lang basta ang feelings niya,” I responded pero I really wish I could do just that.

                “Pare, convince her,” advice ni Allen.

                “Man, you’re so whipped, hindi ka na makapag-isip ng mabuti.  Ligawan mo ulit!  Besides, hindi ka na hahabulin ni Euna pagkatapos ng nangyari,” asar ni Jullian sa akin.

                He’s right, though.  I really can’t think straight since I met her again.  Again, dahil ngayon nalaman ko na hindi pala iyon ang unang pagkikita namin.  I still can’t believe na ako ang dahilan or nag-encourage sa kaniya kaya siya naging ganoon.

                “In fact, it’s a miracle na buo ka pa rin ngayon.  Nakakagulat na tahimik ang Femmes sa ganitong pangyayari dahil usually you would taste their revenge in one way or another,” amazed na sabi ni Allen.

                “Huwag magsalita ng patapos you’ll never know kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip ng mga babae, especially them,” nakakunot na sabi ni Jullian habang nakatingin pa rin sa screen ng cellphone niya.

                “I really don’t care since I do deserve it kung magagalit man sila.   Hindi ganoon kadali na manligaw na lang ulit pagkatapos ng ginawa ko sa kaniya,” defeated kong sabi.

                “Look, wala kang mararating kung puro ganiyan ang iisipin mo.  Do something para mapatawad ka niya.  Euna is a gentle girl not a cold witch.  As her bestfriend, kung kilala ko talaga siya she doesn’t reject apologies,” patient na sabi ni Allen.

                “I don’t know what to do kung nakita mo lang iyong naging reaction niya sa sinabi ko.  It’s like I literally broke her heart and she’s ignoring me every time na magkasalubong kami,” amin ko sa kanila.

                “Parang hindi ka naging babaero, you know what girls are like.  Natural lang na hindi ka niya pansinin kasi nasaktan siya that’s their defense mechanism,” sita sa akin ni Jullian.

                “I really can’t decide what to do.  Titingnan ko muna ang reaksyon niya and I’ll decide base on that kung may nararamdaman pa siya sa akin,” finally I said.

                “Hindi naman ganoon kadali mawala ang feelings,” Allen suddenly said.

                “Bakit na-experience mo na ba?  Looks like you’re hiding something,” Jullian said smirking at Allen.

                “Pare, I was speaking hypothetically besides girls are like that to me,” balik-sabi ni Allen sa kaniya.

                “Huwag magsalita ng patapos baka mamaya kainin mo bigla iyan,” ganti ni Jullian sa kaniya.

Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon