Chapter 7 <> The Bet

96 3 1
                                    

Chapter 7 <> The Bet

            Recap:

            Sasagutin ko na sana siya na wala kaming dapat patunayan pero biglang nagreact si Ryuu at never in my life na in-expect ko na gagawin niya ito.  Kinabig niya bigla ang mukha at hinalikan ako!  I froze and I sensed his smirk.  Even though the kiss was over within ten seconds, it felt like the world stood still.  Within seconds, he made me felt feelings that my past boyfriends didn’t make me feel.  And it terrifies me to feel again after being numb for a long time.  It scares that he makes me feel this way.

                “You owe me,” he said while leaving me dumbfounded once again.

                Wala na roon si Migz kaya pwede na ako tumulala kahit gaano katagal kong gusto dahil sa mga pangyayari pero may napansin akong tumayo sa bench na inupuan ko kanina.  Si Marie iyon na nakatingin sa akin.

                Patay na talaga nakita pa pala iyon ni Marie.  I am so doomed!

                She mouthed two words that made me feel scared again before leaving: Be Careful.  Ngumiti siya saka umalis na.  Alam niya na hindi makakatulong kung lalapitan niya ako.  Dahil kung gugustuhin kong lumapit ay ako na mismo ang gumawa noon.  I need to think through this alone.

                Papasok ako

                Hindi ako papasok

                Papasok ako

                Hindi ako papasok

                Papasok daw ako   T_T

                Walangya nakalbo na iyong mga bulaklak dito sa bahay laging ganoon pa rin ang sagot, mga walang pakisama. :/  Waaaah! Ayoko pumasok nakakahiya talaga mga pinaggagagawa ko kahapon.  And, automatic nagblush ako maalala lang iyong moment na iyon.  Napaka-humiliating talaga ng experience na iyon pero every time na maiisip ko iyon bumibilis ang tibok ng puso ko at sobrang natatakot ako. 

                Takot dahil baka hindi mo matupad ang assignment o takot dahil baka ma-in love ka?

                Grabe hindi ka nakakatulong.  Langya, lalo akong nate-tense sa pinag-iisip ng utak ko.  Hindi ko alam kung gusto ko pang ituloy ito.  Parang nawala lahat ng confidence na kaya ko ito, he’s too irresistible for his own good.  Masyadong mabait kasi si God sa kaniya eh.  Kalma muna para makapag-isip ng mabuti.

                Pero bago pa talaga ako magdesisyon narinig ko na naman ang napakalakas na boses ng kambal,” Ate!!!!  Anong petsa na male-late na kami sa tagal mo?!”

                10 minutes later

                Nasa harapan na ako ng bukas na pintuan ngayon pero kahit isang hakbang hindi ko magawa dahil ayaw talaga ng mga paa ko.  Hindi naman ako tulad ni Gabby na who cares kung anong mangyari or ni Felice na carry lang yan or ni Marie na dedma lang.  I can’t believe na ako mismo ang nagdala ng sarili ko sa sitwasyon na ito kahit siguro hibla ng buhok wala akong maihaharap sa kaniya.  Subjects be damned! Hindi talaga ako papasok.

                Pero bago ko pa maiatras ang mga paa ko na out balance ako bigla at naramdaman ko na nasa loob na ako ng kotse kaharap ang mga nakangising mukha ng kambal.  Ang mga walang hiya tinulak pa pala ako!

Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon