Chapter 27: Contest-Second day!

2.1K 26 0
                                    

******************

Chapter 27

++MIO++

''Last 20 seconds..'' sigaw ng announcer.

Kit, kaya mo yan..

Nasa stage si Kit kasama ang mga huling members ng bawat team para sagutan ang huling math equation na nasa board..

Paunahan ang labanan. Ang unang tatlong team na makatapos ang papasok sa Finals.

Go Kit!!!

Napatayo din ako ng tumayo na si Kit at pumunta sa judge.

Tumigil ang oras sa board at tumigil rin ang ibang mga contestant sa pagsasagot..

Pumikit ako at nagdasal.

Please God, please..

''Ang unang team na nakapasok para sa Finals bukas ay.. ang team mula sa Laguna National Science High School!'' sigaw ng announcer.

''Yes!'' sigaw ko na hindi na masyadong narinig dahil sa iritan ng mga babaeng estudyante mula sa iba't-ibang mga schools.

Nagtatatalon naman sina Denise, Monica at Ma'am Torres..

Grabe. Kakaiba ang feeling. Kami ang unang nakapasok na team!

Gusto kong yakapin si Kit! ^______^

Ay, EHEM.. Hindi pala, wala akong sinabi..

Apir pala. Gusto kong makipag-apir kay Kit.

''Dalwang teams na lang ang makakapasok sa Finals..'' sabi pa ulit ng announcer ng magsimula na ulit magsagot ang ibang mga contestant.

Tumingin sakin si Kit ng pababa na ito sa stage at ngumiti. Ngumiti din naman ako.

Papalapit na si Kit sa inuupuan namin ng harangin siya ng mga babaeng estudyante mula sa ibang schools.

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila at tumingin sa stage.

Selos?

Hindi no.. >_______<

Tumigil na ulit ang oras at lumapit ang representative ng Pacific International Highschool, si Kade, sa judge..

''Ang pangalawang team na nakapasok sa Finals ay nagmula sa.. Pacific International High School!''

Nagsigawan na naman ang mga babaeng estudyante. Kahit si Denise at Monica e sumigaw din..

Kitams..

Sabi na marami ding fanatics itong si Kade ehh. ^________^

''Ang pogi talaga nung representative nung PIHS no?'' sabi ni Monica ng makalabas na kami sa function hall dahil tapos na ang semi-finals.

Ang huling school na nakapasok ay ang Davao Del Norte National Highschool, kaming tatlo ang maglalaban-laban bukas..

''Oo, tama ka dyan..'' sang-ayon naman ni Denise. ''Ang lakas pa ng appeal.''

''Kayo talaga ha? Ambabata niyo pa. Tsaka, akala ko kay Kit kayo?'' tatawa-tawa kong tanong.

''Siyempre, iba naman 'yun, Ate Mio..'' sagot ni Denise.

''Panong iba?'' tanong ko.

''Nakakatuwa din kasi makakita ng ibang mga kalahi ni Kuya Kit minsan.'' dahilan ni Monica.

''Lahi? Lahing Tsonggo?'' tawa naman ako sa joke ko.

''Lahing pogi.'' sabi ng Denise.

''Ikaw, Ate. Hypothetical question. Halimbawa, hindi mo sila parehas personal na kilala. Sinong mas pogi para sa'yo? Si Kuya Kit o si Kade?'' tanong sakin ni Monica.

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon