Chapter 44: I'm Dead Serious

2K 23 3
                                    

@@@@@@@@@@

++MIO++

(Acoustic guitar plays...)

(O______O)

Wow.. daming tao ahh.

Parang ngayon ko lang nakitang andaming umattend sa isang school program. Buti na lang hindi nila ako napansing pumasok.

Bakit may tugtog? Intermission number na ba? Buti naman hindi ko na naabutan yung mga boring na speeches.. (^____^)

*UNIDENTIFIED FEMALE SHRIEKS!*

Grabe lang magsigawan mga babaeng to ah?

''KYAA~~'' female student 1

''GRABE! ANG POGI!'' female student 2

Uy, pogi daw? Naintriga naman ako..

Sinilip ko kung sino yung nasa stage..

Aish. Di ko makita.. (>_____<)

Kasalanan ko bang matatangkad yung nakapuwesto sa unahan ko?

Nasan ba yung si Kit? Pinapunta-punta ako dito, hindi ko naman siya makita. Si Zaydie kaya, nasan?

''I'm thinking about you, baby.

And I don't know what to do, all I think about is you..

It seems everything around me, things I've never understood, It all makes sense when I'm with you.''

Nagtilian na naman ang mga babae. Pero infairness ha? Ang ganda nung boses nung nakanta. Nakakain-love. Ang sarap pakinggan, haha..

''Oh I've heard it all before. Finding so-called love, then you leave it behind. But now I feel so sure. I'll listen to my heart this time, so I'll lay it on the line..''

(O_____O)

Parang on-cue nahawi yung mga taong nakaharang sa harap ko at agad kong nakita ang lalaking nasa stage na nakanta..

''I know that what I've found is once in a lifetime..''

Napatigil lang ako at napatitig sa kanya. Kita ko ding nakatingin siya sakin habang naggigitara na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

''I know there's no way out, 'cause it's once in a lifetime..''

Nagtilian na naman ang mga babae pero mas rinig ko parin ang bilis ng tibok ng puso.

''I've always been so lonely. No one ever need to hold. And every night was just so cold..''

Hindi ko alam kung bakit pero parang awtomatikong naglakad ang mga paa ko palapit sa kanya.. palapit kay Kit.

''Oh, don't get me wrong I've been around. But I resigned myself to thinking, mine is just another story often told..''

Tumigil ako sa may harapan ni Kit. Medyo malapit sa may stage kung saan kitang kita ko siya.

''Oh I've heard it all before. Finding so-called love, then you leave it behind. But now I feel so sure. I'll listen to my heart this time, put my heart before my mind..''

Saglit na tumigil ang tugtog at ang kanta ni Kit. Ibinaba nito ang gitara at kinuha ang mic. Mukhang nagulat naman lahat ng nanonood dahil naging sobrang tahimik ng auditorium..

Ngumiti si Kit at tumalon pababa ng stage at habang naglalakad papalapit sakin ay tumuloy ang kanta nito at ang tugtog.

''I know that what I've found is once in a lifetime..''

Nagtilian na naman ang mga babae at mas lalo akong kinakabahan dahil papalapit na ng papalapit sakin si Kit.

''I know there's no way out, 'cause it's once in a lifetime..''

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon