Chapter 56: Kade's Plan (CAMEO: Seth)

1.6K 17 1
                                    

HEP! *pruuuuuuut*

hahaha, pangit ba sound effects? low budget eh.

I just want to inform you na may FB page na po ang Solarislunastories! please LIKE it if you have time..

magpopost po ako ng mga PICTURES dun, TRIVIAS and other INFOS about sa mga characters ng stories ko. Especially sa characters ng SWAK. :D

please hit LIKE ha? thank you soooo much! mwaah! :3

@@@@@@@@@@@

Chapter 56

++ZAYDIE++

''Maknae..''

''Hmm?'' sagot ko, habang patuloy pa rin sa paghuhugas ng mga pinagkainan ng almusal.

Hindi man lang muna ako pinaligo, talagang inalipin ako agad agad ng maaga pa.

''May bisita ka.'' lumitaw si Kuya Zel sa may pintuan ng kusina namin.

Napahawak ako sa buhok kong basta basta ko na lang ipinusod. Nagpunas ako ng pawis sa suot kong apron.

''Sino? Hindi pa ko nakakaligo eh. Sabihin nyu na lang wala ako--''

''Anong wala eh andyan ka naman, hon..''

(O____O)

Nawala si Kuya Zel sa pintuan at napalitan ni Lee.

Napayuko agad ako sa lamesa para magtago. Shemay naman oh. Wrong timing..

''Hon?'' lalapitan dapat ako ni Lee ng lumayo ako ng nagtatago pa din.

''Teka lang, hon.'' pigil ko. ''Lumabas ka muna.''

Nagpout naman si Lee. ''Ayaw mo na sakin?''

''Sira. Huwag ka munang lumapit kasi.. kasi hindi pa ko ligo.''

Ngumiti naman si Lee. Wew. Ikaw ng gwapo.

Ako na..

Ako ng may gwapong boyfriend, hahaha.

Lumapit siya at hinapit ako palapit. Itinuon ko yung dalwang braso ko sa dibdib niya para pigilan siya.

''Mabaho nga ako. Hindi pa ko naliligo. Badtrep oh.'' naaasar ko ng sabi dito.

''Hindi naman ahh..'' pinilit niya kong amuyin pero layo ako ng layo. ''Amoy lang dishwashing liquid.'' tumawa siya ng malakas at binatukan ko siya. ''Awts, hon.''

''E sira ka e, malamang amoy dishwashing liquid ako e naghuhugas kaya ako ng pinggan.''

''Kahit na.. mabango pa din. Hindi naman mabaho.'' pilyong ngumiti ito.

''Oh siya, bahala ka.'' inis kong sabi kahit napapangiti ako. ''Bakit ka nga ba nandito?''

''Hmm. Kasi..'' parang nagiisip ito ng maidadahilan.

''Kasi ano?''

''Kasi namiss kita? Pwede na ba yun?'' ngumiti na naman ito.

''Sus, e magkasama lang tayo kahapon.''

Napa-face palm siya. ''Tsk. Oo nga pala. Pero.. ganun talaga eh. Madali akong makamiss, haha.''

Niyapos niya ko ng mahigpit.

''Ikaw tala--''

*click!*

Napahiwalay ako sa pagkakayakap kay Lee ng may biglang nag-flash.

Nanlaki ang mata ko ng makitang andun lahat sina kuya at pinicturan nila kami ni Lee.

''Oh, upload na 'yan!'' sigaw ni Kuya Zeff sabay takbo nilang lahat.

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon