@@@@@
Chapter 63
++MIO++
Napahigpit ang hawak ko sa paper bag habang nakatingin sa taong pinakahuli kong in-eexpect na makikita ko ngayong gabi.
Si Cheska.. nakangiti din siya habang nakatingin sakin. Pero alam kong sa loob loob niya ay gustong gusto na niya akong sipain at kaladkarin palabas.
''You've brought someone, iho..'' nakangiting sabi ng lolo ni Kit at napahigpit ang hawak ng kaliwang kamay ko sa braso ni Kit.
''Ahh..'' Kit cleared his throat. Halata sa mukha nitong pinipilit makaalis sa pagkagulat.
Huminga ito ng malalim. Kinabahan na agad ako ng makita sa mga mata ni Kit na desidido na itong magsabi ng totoo sa Lolo niya.
''Lolo, this is Mio--''
''Kade's girlfriend, Lolo. Mio here, is Kade's girlfriend.''
Nanlaki ang mata ko ng biglang sumingit si Cheska, na halata ang pagsingkit ng mga mata sa galit at pagkainis.
Pero bago pa man namin maitama ang pagsisinungaling na ito ni Cheska ay umimik na agad ang Lolo nila Kit.
''Wonderful.'' ngumiti ito. ''Nice to meet you, iha.''
Naglahad ito ng kamay sa harap ko at inabot ko naman ito. ''N-nice to meet you din po.. pero hindi po--''
Nagulat ako ng parang bigla na lang muntik matumba ang Lolo nila Kit pero agad naman itong nasalo ni Kit at Kade.
''Lolo, are you okay?'' nagpapanic na tanong ni Kade.
Ngumiti naman ang matanda. ''I'm fine, I'm fine. Don't worry.. Binalaan na ko ng doctor tungkol dito.'' bumuntong hininga ito.
''Bawal daw maover-excite at bawal mapasobra ang galit.. hay nako, puro bawal. Matanda na talaga ako.'' tumawa ito para gumaan na ang pag-aalalang nararamdaman namin.
Hindi ko naman maiwasang mapatitig sa Lolo ni Kit habang iginigiya kami nito sa malaking dining hall ng mansion.
Maputi na lahat ng buhok nito at ang dating matikas na pangangatawan nito ay halatang pumayat dahil sa karamdaman..
Kita ko sa mukha ni Kit at Kade na hindi pa rin naaalis ang pagaalala nila sa nangyari kanina.
Gusto kong pasinungalingan ang mga sinabi ni Cheska pero pano kung magulat ng masyado ang Lolo ni Kit? Baka bigla siyang atakihin?
Ayoko namang mangyari 'yun, pero.. ibig sabihin ba 'nun, kelangan kong magpanggap na girlfriend ni Kade ngayon?
Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Kit ng akayin nito ang Lolo. Tinabihan ako ni Cheska habang naglalakad kami at bigla akong kinilabutan sa sinabi niya.
''Selfish, aren't you? Kahit na alam mong nasa masamang kalagayan ang kalusugan ni Lolo talagang gusto mong ipangalandakan ang sarili mo dito?''
''Ayokong mangyari 'yun.. Pero hindi ako kagaya mong magaling gumawa ng mga kasinungalingan. Lalabas din ang totoo, Cheska. Tandaan mo 'yon.''
Nag-smirk si Cheska at bumulong bago ako lagpasan. ''Not if I can help it.''
Naupo na kami lahat sa lamesa at nagdalwang-isip akong maupo sa tabi ni Kit. Do I really have to act like Kade's girlfriend now?
''Mio, iha.. Dito ka maupo sa tabi ko. Gusto kitang makausap.'' tawag ng Lolo nila Kit.
Agad akong tumabi sa inuupuan nito. Nakita kong tumabi si Cheska kay Kit at dahil 'don ay sumama ang itsura ng hal ko.
''Ahh, oo nga pala po..'' naalala ko ang bitbit kong adobo. ''Dinala ko po para sa inyo.'' kinakabahan kong ibinigay kay Lolo ang paperbag na dala ko.
Nakangiti naman nitong inabot iyon. ''Hindi ka na dapat nag-alala pa, iha.'' binuksan nito ang tupperware at nanlaki ang mga mata nito. ''Paborito ko ito, iha. Maraming salamat.''
''Wala pong anuman..'' nakangiti kong sagot. Sumaya naman ako ng makitang ang adobong dala ko ang inulam ng Lolo nina Kit at sarap na sarap ito.
''So, gaano katagal na kayong magkalaguyo ng apo kong si Kade, iha?''
Mukhang nabilaukan naman si Kade dahil kasalukuyang nanguya ito kaya ako na lang ang sumagot.
''Magiisang buwan na po sa January 25.'' nakangiti kong sagot pero kay Kit ako nakatingin. Ngumiti din naman ito sakin.
At least hindi ako nagsisinungaling. Malapit na kaming mag-one month ni Kit, hindi ni Kade.
''Ibig sabihin pasko mo siya sinagot?'' nakangiting tanong ni Lolo.
''Opo..'' nahihiya kong sagot habang nakatingin pa din kay Kit.
Naalala ko kasi kung pano ko sinagot si Kit. Na sa sobrang hiya ko ay nagtatakbo ako pataas sa kwaro ko.
''Ehem..'' mahinang umubo si Cheska na nagpabalik sakin sa wisyo ko. ''Sasabihin ko nga po pala sa inyo Lolo na nakapili na po kami ng color motif para sa kasal.'' nakangiting dagdag nito.
''Ahh, mabuti naman iha..'' nakangiting sabi ni Lolo pero kay Kit ito nakatingin.
''White and gold.'' pagpapatuloy ni Cheska kahit parang walang nakikinig sa kanya.
''Huwag kang masyadong mag-abala sa kasal, Cheska.'' sabi ni Kade ng nakangiti. ''Feeling ko, hindi naman 'yun matutuloy..'' dagdag pa nito na sadyang hindi pinarinig kay Lolo.
Sinamaan ito ng tingin ni Cheska habang sabay naman kaming napangiti ni Kit.
''Excuse po. Pupunta lang po ako sa powder room.'' paalam ni Cheska pagkatapos naming magdessert.
''Iha.'' tawag sakin ni Lolo. ''Ipagluto mo ulit ako ng adobo sa susunod ha?'' nakangiti nitong tanong sakin.
''Opo.'' nakangiti akong tumango dito. Pero nanatili akong nakatingin sa paalis na si Cheska.
@@@@@
Hinawakan ako sa kamay ni Kit ng lumabas na kami sa kotse niya. ''Sorry, hal..'' bulong nito sakin habang yakap yakap niya ko.
''Okay lang 'yun, hal.. naiintindihan ko naman eh. Okay lang.'' bulong ko din dito.
''Hindi okay, hal. Naiinis ako sa sarili ko. Gustong-gusto ko ng sabihin kay Lolo.. pero natatakot ako sa pwedeng maging reaction niya.''
''Alam ko. Natatakot din ako, Kit. Isa pa, alam kong may oras din para malaman ng Lolo mo ang totoo. At kung hindi pa ngayon 'yun. Ayos lang. Maghihintay naman ako.'' ngumiti ako para hindi niya makita ang tinatago kong lungkot.
Bakit ba palaging ang daming hadlang samin ni Kit? Bakit hindi na lang maging madali ang lahat?
@@@@@
sorry kung medyo naiiklian at napapangitan kau sa chap na 'to. medyo hindi ko din 'to feel eh.. pero kung nagustuhan nyu, vote nyu na lang din, and comment ha?
thanks! I'll update soon.. :3
x.o.x.o.
-- luna
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss
Teen FictionNakapagsulat ka na ba ng love letter para sa crush mo? And by some twisted fate ay nabasa ito sa harap ng buong student body during a flag ceremony? Well, dito nagsimula ang story ni Mio and how she found.. *gulp* ..true love?? Copyright © 2013 sola...