Chapter 67: Unmasked

1.5K 20 1
                                    

@@@@@@

Chapter 67

@@@@@@

++MIO++

Hindi ako mapakali sa upuan ko habang nag-aantay sa Lolo ni Kit. Tumitingin ako sa paligid ng mamahaling restaurant at hindi mabawasan ang kaba ko..

Dapat ba sinabi ko kay Kit na magkikita kami ni Lolo Ed?

Napatunghay kaagad ako ng marinig kong bumukas ang pinto. May tungkod na pumasok ang Lolo ni Kit sa loob ng restaurant.

Tumayo agad ako at ngumiti. Kumaway naman ng nakangiti si Lolo Ed..

''Kanina ka pa ba, iha?'' tanong nito ng maupo sa tapat ko. Umiling naman ako bago din ako umupo. ''Pasensiya ka na kung naabala man kita.''

''Hindi po kayo abala..'' sagot ko kaagad dahil sa kaba. ''Gusto ko din po sana kayong makausap..'' pag-amin ko.

Huminga ng malalim si Lolo Ed. ''Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa, iha..'' panimula nito. ''Andito ako dahil sa sinabi sakin ni Cheska. Gusto ko lamang marinig sa'yo ang katotohanan..''

Bumilis ang tibok ng puso ko. ''A-ano pong katotohanan?''

''Sinabi sakin ni Cheska na.. na ang habol mo lamang sa mga apo ko ay ang pera nila. Na kahit kalaguyo ka na ng apo kong si Kade ay pilit mo paring inaagaw sa kanya ang apo kong si Kit, dahil nalaman mong si Kit na at hindi si Kade ang magiging tagapagmana ko.''

Bigla akong nakaramdam ng panlulumo. Hindi ko inaasahang bababa hanggang sa paninira si Cheska. Pinigil ko ang pagpatak ng mga nagpaparamdam kong luha.

Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko..

Alam kong wala akong ginagawang masama, pero sapat ba na alam ko lang ang totoo?

Huminga ako ng malalim. Hindi na ko makakapayag na baliin pa ni Cheska ang katotohanan..

Oras na para ipaglaban ko ang sarili ko. Panahon na para sabihin ko ang katotohanan.

Tiningnan ko ng diretso si Lolo Ed habang mahigpit ang pagkakakapit ko sa table mantle. ''Hindi po totoo ang mga sinabi ni Cheska.''

Walang pagbabago sa mukha ni Lolo Ed. Blangko pa rin ang expression ng mukha nito at mukhang wala itong balak na putulin ang pagpapaliwanag kaya nagpatuloy ako.

''Alam ko pong dapat matagal na po naming sinabi sa inyo ni Kit ang totoo. Nag-aantay lang po talaga kami ng tamang panahon para kausapin kayo, pero..''

''Pero hindi niyo masabi dahil sa sakit ko, ganun ba?'' pagpapatuloy ni Lolo Ed para sakin. Tumango naman ako.

''Bakit ikaw ang dapat kong paniwalaan, iha?'' seryosong tanong nito sakin pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

''Wala po akong karapatang hingin sa inyong paniwalaan niyo po ako.. dahil dapat hindi rin po kami naglihim sa inyo ni Kit.'' pag-amin ko.

''Maiintindihan ko po kung mawawalan na kayo ng tiwala sakin at kung hihilingin niyo pong layuan ko na si Kit. Gusto ko lang pong humingi ng tawad sa pagsisinungaling namin.'' pagkasabi ko 'nun ay tumungo na ako.

Alam kong sobrang liit lang ng tsansang ako ang papaniwalaan ni Lolo Ed.

Sino ba naman ako?

Isa lang akong babaeng basta basta na lang pumasok sa buhay nila. Simple, ordinaryo, normal..

Wala akong yaman kundi ang pamilya ko at wala akong ibang maipagmamalaki kundi ang dignidad ko.

Nagtataka ako ng matapos ang ilang minuto pa ay hindi ko pa rin maramdaman ang pag-alis ni Lolo Ed..

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon