@@@@@@@@@@
Chapter 47
++MIO++
December 24 na ngayon..
Maaga pa lang ay nasa orphanage na kami para mag-ayos ng mga gamit..
Madaling araw na-deliver ang mga furnitures sa orphanage. Kaya naman puro kami maaaga gumising.
Excited na excited na kaming lahat na makita ng mga bata ang pinaghirapan naming lahat. Pati mga kuya ni Zaydie, yung mga madre sa orphanage at ilang mga volunteers ay nandito para tumulong.
Nag-aayos ako ng mga kutson ng mapansin kong tahimik lang si Zaydie. Naninibago ako sa kanya.
Di ba dapat sobrang hyper niya kasi natapos na namin yung project niya?
''Zie, okay ka lang?'' tanong ko sa kanya.
Parang nagulantang naman ang babae at tumigil sa pagpapapagpag ng kumot. ''H-ha?! Wala akong iniisip!''
(>____<)
Ay, defensive? Wala naman akong sinasabi na may iniisip siya ahh?
''Ano bang iniisip mo dyan?'' natatawang tanong ko.
''H-ha? W-wala, wala..''
''Okay ka lang, bes?''
''O-oo naman..''
Okay, weird lang eh. Hindi naman siya ganyan kapag wala siyang iniisip.
Nagulat naman ako ng bigla na lang siyang magtago sa likod ng pintuan.
''Oh, ano yan?'' natatawang tanong ko. Baliw baliw lang eh.
''Pag ako ang hinahanap, wala ako ha?'' Narinig ko na din na may palapit pala dun sa kwarto pero bago pa ko makapagreact kay Zie ay sumilip na ang charming at nakangiting mukha ni Lee.
''Si hon?'' tanong nito.
Pinigilan ko naman ang sarili kong huwag mapatingin sa pinto kung saan nagtatago si Zie.
Hay nako, magpapaliwanag sakin 'to mamaya..
''Naku, wala dito e. Baka nasa baba?'' pagsisinungaling ko. Lord, patawarin niyo ko.
''Ahh, sige sige.'' nakangiti pa rin ito at dali daling bumaba.
Nang makasigurado naman si Zaydie na wala na si Lee ay lumabas na ito sa pinagtataguan at nakahinga ng maluwag.
''Explain.'' nakapamewang kong sabi dito.
@@@@@@@@@@
++ZAYDIE++
(___ ___'')
Kung nasusubaybayan niyo ang buhay ko, siguradong alam niyo kung anong significance ng araw na 'to.
Alam niyo na?
*sigh*
Ito lang naman ang araw na OFFICIAL ng magiging KAMI ni LEE.
Remember yung pustahan namin?
Well, halata namang umabot siya sa deadline, di ba?
Hindi naman sa ayaw ko..
Alam niyo na naman na ayun. Ayun. Huwag niyo ng ipaulit sakin!
(>____<)
Ang totoo mas kinakabahan ako. First time ko kayang makaramdam ng ganito. Sobrang AWKWARD. Kaya naman nagtatago ako kay Lee.
Alam ko namang hindi ko siya matataguan habang buhay pero.. SIOMAI! Kinakabahan talaga ako!
Tapos suot pa niya ngayon yung regalo ko sa kanyang polo. Tapos ang gwapo-gwapo-- ESTE, kanina niya pa ko hinahanap. Alam ko naman kung anong kailangan niya sakin. Magpapakalma lang muna ako..
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss
Teen FictionNakapagsulat ka na ba ng love letter para sa crush mo? And by some twisted fate ay nabasa ito sa harap ng buong student body during a flag ceremony? Well, dito nagsimula ang story ni Mio and how she found.. *gulp* ..true love?? Copyright © 2013 sola...