Chapter 6: For no reason, at all..

3.4K 39 3
                                    

Luna's Note:

Natapos ko na din ang BTCHO.. galing ng author, si Ate Alyloony! :)

Nakakainspire sa pagsusulat kaya this chapter is dedicated to her..

Enjoy reading.. <3

**********
Chapter 6
**********

Bakit ba hindi siya mapakali?

Hmmm..

*Sigh*

Ang tagal naman matapos ng meeting na ito.

''Miss Klaid, may gusto ka pa po bang idagdag?'' tanong ng babaeng third-year student na secretary nila sa SC -- Student Council..

''No, I have nothing to interject..'' sagot niya agad. ''So, should we finish up in here?'' nakangiti niyang tanong sa mga kasama.

Sumang-ayon naman lahat sa kanya..

Lumapit naman sa kanya si Wyn -- Wynter Drale, nang makalabas na ang mga members ng SC. Nag-aantay pala ito sa labas ng kwarto.

Kumunot ang noo nito ng makiya siyang nagiisa. ''Wala si Kit?'' tanong nito.

''Hindi daw siya makakaattend..'' sagot niya dito.

''That's weird..'' sumandal si Wyn sa side ng table. ''Never pa siyang hindi umattend sa meeting until now..''

''Seems like a family emergency.'' sagot lang niya.

Kahit kasi siya ay nagtataka kung bakit bigla na lamang umalis si Kit. Parang nagmamadali pa talaga ito. 

Hindi niya maiwasang mag-alala..

''Nag-aalala ka?'' nakangiting tanong ni Wyn sa kanya.

Bakit parang nababasa ni Wyn ang nasa isip niya?

''Don't look at me like that!'' tatawa-tawang sabi ni Wyn ng maramdaman na niyang namumula na ang mukha niya.

''Matagal na namin alam ni Lee, ano? Itong si Kit lang naman ang manhid..'' pagpapatuloy nito.

Alam naman niyang lalo siyang namula..

Alam ng mga ito?

Na gusto niya si Kit?

''Wow.. Victoria Klaid is really blushing.'' loko pa nito sabay tawa.

''Tumigil ka na nga, baka may makarinig pa sa'yo..'' saway niya dito. Pero hindi niya din mapigilang mapangiti..

Masyado ba siyang obvious?

Kung masyado siyang obvious e di dapat alam na ni Kit..

Natawa siya sa sarili at pinanood siya ni Wyn ng may ngiti sa mga labi. "Mabuti pa umuwi na din tayo." sabi niya dito ng maimis na niya ang mga gamit niya

"Let's go. Ihatid na kita sa sasakyan mo." pag sang-ayon nito at kinuha nito and bag niya na ikinagulat niya.

"What?" tanong nito. "Baka sabihin mo hindi ako gentleman." sabi nito sabay tawa.

***

''What are we doing here?'' tanong ulit niya sa Mama niya.

As usual, no response na naman ito.

Tsk. Kung alam lang niya na ganito pala hindi na lang ako nagpunta..


*15 mins. ago*

''Hindi mo ba sasagutin?'' tanong sakin ni Tori.

Naglalakad kami papunta sa Student Council room. May meeting kasi kami.

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon