Chapter 50: Merry Christmas ~ Revelation

1.6K 20 0
                                    

@@@@@@@@@@

Chapter 50

++TORI++

*yawn*

Hindi ko na maalala kung pang-ilang beses na kong humikab ngayong gabi..

Gaya ng mga nakalipas na taon. Andito ako ngayon kasama ang mga magulang ko sa isang Christmas Charity Ball para dito magcelebrate ng Christmas Eve.

7:30 pa lang, kaya matagal-tagal pa ang ipagiintay ko.

Pinipilit naman ako nina Mama na makipagusap sa mga bisitang kasing-edad ko pero hindi talaga ako makatagal sa usapan nila about sa kanilang mga boyfriends, make-up, salons, spas, at sa kanilang mga boyfriends.

Napaayos ako bigla ng upo ng makita si Cheska. Kasama niya sina Therese, Melanie.. at Kade.

Nakapulupot sa braso ni Kade si Cheska. Hindi ko naman mabasa ang blangkong mukha ni Kade. Ayaw niya ba kay Cheska? O gusto din niya ito.

(>___<)

Tumayo ako at pumunta sa balcony. Walang tao dito, gusto ko munang mag-isa.

*deep sigh*

''Why are you here alone?''

(O___O)

Nagulat ako ng may biglang umimik. Pero ng makilala ko kung sino ito ay hindi ko man lang ito hinarap.

Naramdaman ko na lang tumabi siya sakin at tumingin din sa magandang view ng fountain at garden sa harap namin.

''Why are you doing this to me, Victoria?''

Napaharap ako sa kanya dahil ramdam ko ang lungkot sa tono ng pananalita niya. ''I'm not doing anything..'' sabi ko.

Ngumiti naman siya. ''I know, but your mere prescence affects me.''

''Hindi kita maintindihan.'' tumalikod ako pero pinigilan niya ang braso ko. ''And I'll probably never will..''

''Don't worry. You'll find out what you want to know tonight..'' binitawan na niya ang kamay ko ng humarap na ko sa kanya.

Natahimik kami at rinig na rinig namin ang pagsasalita ng emcee sa loob. ''Good evening, ladies and gentlemen. First, to give us a welcoming speech. Let's give a round of applause to Mr. Hendrick Govaco, the host of tonight's Christmas Charity Ball--''

Narinig namin ang palakpakan ng mga tao. ''I have to go inside. I think you should too..'' paalam ni Kade at nauna na itong bumalik sa loob.

Pagpasok ko ay nakita kong nagsasalita si Mr. Govaco, ang chairman at CEO ng Govaco Communications, one of the largest communications company here and abroad.

''--I am here to inform you that because of my health. I would be forced to have an early retirement--'' ngumiti si Mr. Govaco at nagtawanan naman ang mga bisita.

Hindi na kasi matatawag na early retirement iyon because he's already in his 70s.

''The reason why I hosted this Ball, is also to introduce to you, my grandsons. One of them will be my succesor as the chairman and CEO of Govaco Communications and of course, will be the fiance of Mr. Javier's lovely daughter.''

(O___O)

Nagulat ako sa nakita ko.

No.. This can't be.

Magkasunod na umakyat si Kade..

..at si Kit.

Nagpalakpakan ang mga tao. Pero hindi ko magawang makagalaw sa kinatatayuan ko.

Kit and Kade are cousins?!

And Kit never told us..

A-ano bang nangyayari?

''How does it feel now, Victoria?'' nilingon ko ang nagsalita.

Nakatayo na si Cheska sa tabi ko habang nakapamewang.

''How does it feel na maagaw ko ang dalwa sa importanteng tao sa buhay mo? Nagagalit ka na ba? Naiinis? Naiingit ka na ba sakin? Ilabas mo na ang tunay na kulay mo. At ipakita sa lahat na hindi ka perpekto kagaya ng lahat at mas magaling ako sa'yo sa maraming--''

*pak!*

Kusang umigkas ang kamay ko sa mukha ni Cheska. I slapped her for Kit, for Kade, for Mio.. and for myself.

Halata ang gulat sa mukha nito at sa mga taong nasa paligid namin.

''I've tolerated your craziness for a long time, Cheska. I didn't know na aabot hanggang dito ang magagawa mo because of your jelousy and insecurities. And I pity you, dahil kelangan mo pang gamitin ang yaman niyo para lang makuha ang gusto mo. But remember this. You won't be happy after all this at pagsisisihan mo din 'to.''

After that I walked out, with my head up. Hindi ako nahihiya sa ginawa ko at sa mga sinabi ko.

She deserved that. Para matauhan man lang siya kahit papaano.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita si Kit sa baba at mukhang hinihintay ako.

Bumuntong hininga ako.

''I think you owe me a long explanation.'' sabi ko sa kanya ng ipagbukas niya ko ng pinto ng kotse niya.

''I know. I'll explain on the way, Tori. I'm sorry.''

@@@@@@@@@@

nauna po itong nangyari kesa sa Chapter 48. Ito po ang dahilan kung bakit kinaon ni Kade si Kit at kung bakit 11pm na nakapunta si Kit sa bahay nina Mio..

thanks for reading.. ;)

x.o.x.o

-- luna <3

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon