Chapter 70: The Day We Part Ways

1.7K 20 3
                                    

@@@@@@

Chapter 70

@@@@@@

++MIO++

''Vi, kung hindi mo bibilisan, mauubusan na tayo ng upuan!'' sigaw ni Mama mula sa baba.

''Ayan na po!'' sinuklay ko pa ulit ng mabilisan ang nakalugay kong buhok pagkasukbit ko sa leeg ko ang DSLR-camera ni Papa.

Isinuot ko ang laced dollshoes ko habang natakbo pababa ng hagdan at muntik pa kong matapilok sa huling baitang sa sobrang pagmamadali.

''Ate, ano na?'' sumilip si MV sa pinto mula sa labas.

''Ayan na, ayan na!'' dali-dali akong sumunod at sumakay na sa kotse ni Papa.

@@@@@

''Mio! Dito!''

Nilingon ko ang direksiyon na pinanggalingan ng boses ni Zaydie. Nakasuot ito ng yellow strapless sundress at nakatayo ito habang nakaway samin.

Agad kaming lumapit sa inuupuan nito at nakitang pinagreserve na kami ng upuan dun nina Zaydie. Nasa tabi nito ang isang nakasimangot na Lee, na suot ang polong bigay sa kanya ni Zaydie noong huling pasko at isang nakangiting Wyn, na gwapong gwapo sa black long sleeved polo at slacks na suot niya.

''Bakit naman sambakol 'yang mukha mo, Lee?'' natatawang tanong ko dito ng maupo na ko sa bakanteng upuan sa tabi ni Wyn.

Naupo na rin si Mama, Papa at MV sa tabi nina Tito at Tita Min at sa mga magulang ni Tori.

''Naisip ko lang.. dapat pala ga-graduate na din kami ngayon.'' bulong nito na parang nagmumukmok na bata.

''Tsh.'' biglang singit ni Wyn. ''Kung nakinig ka sakin at hindi ka sumama nun. Hindi ka madadamay.''

''Heh. Ikaw na nga ang tinulungan. Kung wala ako 'don, baka napagtulungan ka na ng mga goons 'non.'' bumelat si Lee at kinurot ito sa pisngi ni Zaydie. ''Aww! Aww! Aww! Tama na, hon. Hindi na ko magrereklamo.''

Tumawa kami ni Wyn. Masaya akong andito pa rin sina Lee at Wyn pagkagraduate nina Kit at Tori.

Masyado kasing nakakalungkot kung sabay sabay silang grumaduate.. Kung sakali, kami na lang 'non ni Zaydie ang maiiwan.

''Let us welcome the graduates of this year..'' energetic na sigaw ng emcee at napatayo agad ako hawak ang camera.

Hinanap ko kaagad sa pila ng mga napasok sa gym na mga estudyante ang mukha ni Kit. Napangiti ako ng makitang nasa kauna-unahan siya ng pila at nasa likod lang din niya si Tori.

Kumaway ako at kumaway din si Kit. Nakangiti ito at si Tori habang dire-diretso ang kuha namin ng mga pictures ng dalawa.

Sa kauna-unahang row ng mga estudyante nakaupo sina Kit at Tori. Gaya ng inaasahan ng lahat, Kit is the class Valedictorian and Tori is the class Salutatorian. Sobrang proud nga kaming lahat ng malaman namin 'yon.

Nag-simula ang program sa speech ng guest speaker na hindi ko masyadong naintindihan dahil sa lakas ng kulitan nina Lee at Zaydie.

Pinagtigisahan ko ng palo sa ulo ang dalwa ng hindi pa din tumigil ang mga ito ng magsasalita na si Kit. Natahimik ang mga ito at sabay pang nag-pout sakin ang dalwa, natahimik na din ang ibang mga estudyante.

Kit always had that authoritative air around him. Tuwing magsasalita siya, walang magagawa ang iba kundi makinig. It might be for his good looks or his charismatic appeal to others.

Kit said words about highschool life, about friendship and about love. What I didn't expect is his words about the future..

''..And make decisions, make mistakes. Meet new people, embrace changes. But do not forget one thing.. don't forget to look back.'' huminga si Kit ng malalim bago tapusin ang speech niya. ''Past may be past, but without it, there'll be no future. Learn and Live, and most especially.. love. Congratulations to us all and thank you.''

Sinabi ni Kit ang mga huling kataga ng nakatingin sakin. Pinunasan ko ang mga luha ko at nakisabay sa pagtayo ng mga tao at pagpalakpak.

Hindi ko alam kung magiging masaya ako o malungkot. Parehas kong nararamdaman ang emosyon na 'yun ngayon. At alam kong hindi ako nag-iisa..

Iyakan at tawanan ang maririnig sa buong gymnasium pagkatapos ng commencement exercises. Agad lumapit samin sina Kit, na may tipid na mga ngiti sa mga labi at si Tori na umiiyak ng nakangiti.

Niyakap si Kit ng Mama niya at inakbayan naman siya ng Papa niya na halatang proud na proud sa nag-iisang anak nila. Andun din sina Lolo Ed at Kade, na gagraduate din sa susunod na linggo sa PIHS.

Lumapit sakin si Kit ng makita niyang nakatayo lang ako di kalayuan sa kanya at hinawakan nito ang isang kamay ko. Pakiramdam ko, para akong lobong punong-puno ng hangin sa sobrang saya.

''Congratulations, hal..'' nakangiting bati ko dito. Ayokong mahalata nito na hati ang nararamdaman ko. Tutal pinunasan ko na naman ang mga luha ko kanina.

Ngumiti si Kit at nakita kong nangungusap ang mga mata nito. Hinapit ako nito papalapit sa kanya at niyapos ako ng mahigpit.

Nang oras na 'yun, alam ko nang nakapagdesisyon na siya. At kahit na masaya ako para sa kanya, hindi ko pa rin mapigilan ang malungkot at ang pagpatak ng mga luha ko.

''Don't cry, Mio..'' mahinang sabi ni Kit ng mas higpitan pa nito ang pagkakayakap sakin na para bang natatakot siyang pakawalan ako. ''Sabihin mo lang, hal. Hindi na ko aalis. Just say the word and I'll stay.''

Umiling ako. ''Hindi ko pwedeng gawin 'yun. Ito ang tama, hal. You were meant to go there.''

''But why do I feel this way?'' ramdam ko ang lungkot sa boses ni Kit na nakapagpakilabot sakin.

''I.. I don't want to go.''

Ngumiti ako ng humiwalay na ako sa pagkakayakap kay Kit. ''But you have to. Don't worry, hal. Magiging okay lang ang lahat.''

Hinalkan ako ng mabilis ni Kit sa mga labi. And it felt perfect.

At alam kong kahit anong mangyari. Kit will always be the one I'll love. Because he was everything.. My everything.

Nothing will be able to break us apart..

Or so I thought.

Dahil ang paniniwalang walang magbabago sa relasyon namin ni Kit ang magiging pinakamalaking. pagkakamali ko.

@@@@@

---

Ito na, haha. This is it people.. The last chapter before the epilogue. Will Mio and Kit live happily ever after? Haha, o magkakaroon kaya ng matinding twist sa susunod na update, which is the epilogue..

Vote and Comment guys! And don't forget to follow me, if you love reading SWAK..

Thanks a lot. I love you, guys! :)

x.o.x.o.

-- luna <3

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon