This short chapter is for ZayLee's supporters..
Kaya naman mga ZayLee'sta, magvote and comment kayo ha? pag hindi, sad ang ending ng love team nila, hahaha.. XD
Enjoy reading! :)
@@@@@@@@@@
++LEE++
Hmm, maga na ba?
Argh! Bakit ansakit ng binti ko?
''Lee?''
Oh.. (?_____?)
Sinong nasa loob ng kwarto ko ng ganitong oras?
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ni Zaydie..
Wow. Nananaginip pa ba ko? Ang aga namang pampabwenas nito.
''Lee, anung pakiramdam mo?'' tanong pa nito.
''Ha?'' Siyempre masaya. Buo na agad ang araw ko kasi ikaw ang una kong nakita sa maga.
Hehehe, ang keso ko ba? (^_____^)
''May masakit ba sa'yo, pare?'' narinig kong may lalaking nagtanong..
(O_____O)
Napalingon ako at nakita ko si Wyn, Kit, Mio, Tori at Jen na nakapalibot sa kama ko. HUWAAAAT? Pano sila nakapasok sa kwarto ko?!
''P-paanong--'' naputol ang sasabihin ko ng pinilit kong bumangon sa pagkakahiga ko at nakaramdam ako ng matinding sakit ng katawan. ''A-aray..''
''Huwag ka munang bumangon.'' alalay sakin bigla ni Zaydie.
Napatingin naman ako sa paligid. Uy! Hindi ko kwarto ito ah! Nasan ako?! Sa ospital ba 'to?!
Mukhang nahalata nila sha gulat kong itsura na hindi ko alam kung bakit ako nasa ospital, kasi pinaliwanag nilang nahulog nga daw ako sa bubong nung orphanage kahapon at ngayon lang ako nagising.
Buti na lang at hindi ako masyadong napuruhan (sayang naman kung mamamatay ako agad! wala ng gwapo!) at hindi ako nabagok at nabalian ng buto..
Meron lang akong mga pasa-pasa at konting mga galos sa katawan, buti hindi sa mukha! Tapos masakit lang ang katawan ko. Para akong naggym ng tatlong araw na walang tigilan..
Nahihiya akong tumingin kay Zaydie kasi alam kong iniisip niyang ang engot-engot ko.
''O pano? Sabi ng doctor magpahinga ka na daw muna for three days. Kami na magpapaalam sa mga teachers bukas.'' sabi ni Kit.
''Sige, salamat dude..'' sagot ko naman.
''Buti pa, iwan muna namin kayo dito ni Zaydie, para makapagpahinga ka na muna ulit.'' suggestion ni Tori.
Napatingin ako kay Zaydie dahil ineexpect ko ng magrereklamo ito pero tahimik lang ito habang inaayos ang kumot ko..
Inintay ko munang makalabas na silang lahat bago tumingin ulit kay Zaydie.
''Hindi ka sasama sa kanila?'' tanong ko. ''Hindi ka aalis?''
O_____O
''A-ah.. Gusto mo na ba kong umalis? S-sige. A-alis na din muna ako. M-magpahinga kang mabuti ha?''
Tumayo siya pero hinawakan ko ang braso niya para pigilan siyang umalis..
''H-hindi sa g-ganun.. B-baka lang kasi n-napipilitan ka lang samahan ako..'' mahina kong sabi sa kanya.
(>_____
Bakit ang awkward ng atmosphere namin ngayon? Hindi ako sanay na hindi siya aburido, inis o galit makipagusap sakin..
Naupo ulit si Zaydie. ''H-hindi ako napipilitan..'' mahina ring sagot nito.
Ibig sabihin ba nun..?
(O/////O)
''H-hep!'' saway na nito agad sa iniisip ko. ''B-baka kung anu-anong iniisip mo diyan ha?! Ayoko niyang pagkakangisi mo!''
Napatawa naman ako.. :D
HAHAHA! Ito kasi ang Zaydie na kilala ko..
Yung babaeng parang galit na galit pag nakikita ako, parang asar na asar tuwing magsasalita ako at parang inis na inis tuwing lalapit ako..
Pero siya din yung babaeng laging nakakapagpangiti sakin..
Ang babaeng unti-unti ulit nagbubukas ng nasarhan, kinandado at pinad-lockan ko ng puso..
At kung magmamahal ulit ako ng totoo balang araw, alam kong siya na ang babaeng 'yun..
(^_____^)
@@@@@@@@@@
++ZAYDIE++
Pinanunood ko si Lee habang enjoy na enjoy itong ngumunguya ng apple at nanunood ng Cartoon Network..
Ako naman, eto, ipinagbabalat ko siya ng grapes.. Arte no? Seedless na nga yung grapes gusto babalatan pa. Kung di lang baldado ito, napaggulpi ko na ito sa sobrang abusado.
''Hon..'' tawag nito sakin.
Hindi ako umimik pero nilingon ko ito..
''Nangangalay ang kamay ko..'' pagmamaktol nito. Naka-pout pa ito at parang humihingi ng awa ang mga mata.
''Oh? Anung gusto mong gawin ko?''
''Subuan mo ko ng grapes.. Ahhh!'' ngumanga na ito.
Ito ba naman ang Charming Casanova? Baka Cheesy Child. Kasi hanep maka-banat at isip bata..
Sunod sunod ko itong sinubuan ng grapes, hanggang sa nahihirapan na itong ngumuya..
''Mwgt.. W-wait. Mgtw.'' pagpapatigil nito sakin habang puno ng grapes ang bibig nito.
Tumawa naman ako ng tumawa. Maya-maya ay nakisabay na rin ito sa pagtawa ko.
''December ano na?'' biglang tanong nito ng matigil ako sa kakatawa..
''Ummm.. December 16 na.'' sagot ko naman.
Nagbilang ito gamit ang mga daliri. ''8 days na lang..'' maya maya ay sabi nito.
''Ha?'' naguguluhan kong tanong. 8 days na ano?
''8 days na lang ang meron ako para matapos ang orphanage..'' seryosong sagot nito.
''Ahh..'' iniisip niya pa rin 'yon kahit napahamak na siya sa paggagawa ng orphanage. ''H-hindi mo naman talaga kelangang tapusin yun bago mag-Christmas eve eh.''
Pero iniisip ko pa lang na hindi nga niya magagawa ay parang nalulungkot ako..
Dahil ba gusto kong magkabahay na kaagad ang mga bata ngayong pasko o dahil.. gusto kong maging girlfriend na din ni Lee?
YIKES! (>____
Ano bang pinagiiisip ko?! Grabe lang ha?!
Nagulat naman ako ng mapabangon si Lee sa pagkakasandal at lumingon ito agad sakin.
''Hindi pwede 'yon! May deal tayo! Pag nagawa ko yun, magiging girlfriend na kita kaya-- Aray!''
sumigaw ito hawak-hawak ang balikat.
''Yan kasi e! Kita mo ng hindi ka pa magaling!''
Mukhang nabigla kasi ito sa pagkakabangon. Tinulungan ko ulit siyang sumandal at natahimik na kami parehas.
Bakit ba kasi big deal na big deal sa kanya na maging girlfriend ako? Bakit pa kasi ako?
Andami naman diyang ibang babae na nagkakandarapa sa kanya.
Bakit hindi na lang sila ang nagustuhan mo? Bakit kasi kaylangang ako pa?
@@@@@@@@@@
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss
Teen FictionNakapagsulat ka na ba ng love letter para sa crush mo? And by some twisted fate ay nabasa ito sa harap ng buong student body during a flag ceremony? Well, dito nagsimula ang story ni Mio and how she found.. *gulp* ..true love?? Copyright © 2013 sola...