EPILOGUE Part 1

2K 26 1
                                    

-----

shemay, naiiyak na ko.. haha. First part of the EPILOGUE Part 1 is up!

-----

=====~*~=====

EPILOGUE Part 1

=============

++Mio Vanessa Okita's POV++

''Let's just end this, Mio.''

Binasa ko ulit sa isip ko ang mga katagang nakasulat sa pinakahuling text sakin ni Kit. Nakaabang ang mga daliri ko sa keypad ng hawak kong cellphone, pero walang pumasok sa isip ko na kaya kong i-reply dito.

Let's just end this.

Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko, pero pinilit kong pigilan ito, dahil baka may makakita sakin. Nasa gitna pa naman ako ng klase at ayokong gumawa ng eksena.

After five years na magkalayo, hindi na ko nagtatakang ganito ang kinahantungan ng relasyon namin ni Kit.

Oo, ang dapat na apat na taon lang na pagkawala ni Kit ay naging lima.

Kahit na magkalayo kami, palagi kaming nagtetext at nagtatawagan ng mga unang taon na nasa New York siya. Umuuwi siya pag-summer at kapag pasko.

Masaya kami ni Kit at inisip naming kakayanin namin ang apat na taong hindi kami madalas magkasama, pero siguro, nagkamali kami..

Naramdaman kong unti-unti na kaming nawawalan ng komunikasyon ni Kit, noong pagkagraduate niya ng college last year.

Dapat uuwi na talaga siya ng magpagdesisyunan ng board of members ng kompanya niya na ipa-handle kay Kit ang New York branch nila ng isang taon, bilang parte na rin ng pagtetraining pagsubok sa kakayahan nito.

Wala siyang nagawa kundi sundin ang inuutos ng mga ito, para na rin mapatunayan na karapatdapat siyang maging tagapagmana ng kompanya.

Isang buong taon din halos kami hindi nagkita dahil hindi din niya nagawang makauwi ng Pasko kaya sina Tita at Tito na lang ang nagpunta doon para samahan siya.

Parehas kaming naging abala kaya naging madalang na lang kaming nagkakausap dahil sa tambak palagi ang trabaho niya, at ako naman ay naging sobrang busy din dahil ang dami din naming inaasikaso sa school dahil gagraduate na ako ngayong taon na ito.

Kaya naman ng kamustahin ako ni Kit gamit ang isang text pagkatapos ng ilang linggong hindi kami nagkakausap ay agad ko itong nireplayan kahit na may klase ako.

Kung mamaya ko pa kasi siya rereplayan ay baka hindi na niya mabasa dahil baka may gagawin na ulit siya, kaya dapat sulitin ko na ang oras na nakakapagtext siya.

Hindi ko alam kung bakit ito ang naging takbo ng pag-uusap namin..

Siguro sawa na siya sa sitwasyon namin..

Siguro nakahanap na siya ng iba sa New York..

Siguro.. hindi na niya ko mahal.

Pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa mga mata ko bago pa may makakita. Kahit na masakit, maiintindihan ko kung makikipaghiwalay na sakin si Kit.

Sana man lang hindi niya 'yun ginawa sa text. Kasi parang nabaliwala ang lahat relasyon namin ng ilang taon.

''Mio?''

Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakatayo na sa harap ko si Gerald, block classmate ko sa Culinary Arts. ''You okay, Mio?''

Sinubukan kong ngumiti ng tumango ako. ''Yup. Bakit?''

''Because everyone already left five minutes ago.. You know, the classes are over.'' nakangiting sabi nito habang nagkakamot sa ulo.

Agad akong napalingon sa paligid ng classroom, at gaya nga ng sinabi niya kami na lang ang natira sa loob. Mahina akong napatawa at dali-daling nag-ayos ng mga gamit ko. ''Sorry, I was just..''

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon