Chapter 3: Mio's Futile Attempt

3.7K 47 0
                                    

**********
Chapter 3
**********

Dahil sa insidente noong isang araw, napagdesisyunan na niya.. BY HOOK OR BY CROOK ay makikilala siya ni Skitter Jansen..

Easier SAID than DONE..

Right?

Humingi kaya siya ng advice kay Zaydie?

Tinawagan niya ito..

(After 10mins)

''Bake him a cake..'' walang ka-energy energy na sabi ni Zaydie.

''A c-cake?'' ulit niya.

Hindi pa talaga siya nakakapagtry magluto, pero kung kaya niyang kumain, e di kaya din siguro niya magluto..

''Ooohhhkaaaayyy..'' sagot niya kay Zaydie.

''Seriously? Magluluto ka talaga?'' gulat na gulat nitong tanong sa kanya sa kabilang linya.

''Why not?'' ngingiti-ngiting sagot niya dito bago siya magend call.

(After 2 hours)

*Cough* *Cough*

Kasalukuyang itinataboy ni Mio ang itim na usok palabas sa bintana ng kusina nila ng pumasok ang Mama niya.

''Jus-Mio!'' sabi ng Mama niya habang patakbong in-off ang oven. ''Akala ko nasusunog na itong bahay!''

Inilabas nito ang baking pan sa loob ng oven..

Imbes na chocolate cake ang makita nila ay isang malaking tumpok na parang malabsak na bato ang nandoon sa baking pan..

Tawang-tawa naman ang Mama niya sa nakita na lalo lang niyang ikina-depress..

''Ano 'yan, anak?'' tanong nito sa kanya. ''Huwag mong sabihin na ipapatikim mo pa samin 'yan? I-shoot mo na 'yan sa basurahan.'' loko pa ulit ng Mama niya.

''Mama naman..''

''Naku anak, kaya nga sa pagkain at paghuhugas ka na lang ng pinggan nakatoka e.'' sabi nito at ito na mismo ang naglagay sa basurahan ng niluto niya.

Ang pinaghirapan niya ng dalwang oras, ayun! Basurahan ang nakinabang. Pera Busong.

Nagulat naman siya ng bigla siyang hawakan ng Mama niya sa balikat. May kakaibang ningning ang mga mata nito na hindi niya alam kung nakakatuwa o nakakatakot.

''Don't tell me.. you're doing this for a BOY?'' parang kinikilig na tanong ng Mama niya.

''Mama naman!'' Pinilit niyang huwag mamula. Kelan pa ba siya huling nagconfide sa Mama niya about crushes?

''Well, nung nililigawan pa ko nung Papa mo..'' sumandal pa Mama niya sa counter ng kusina.

Nako, mahaba-habang flashback na naman ito. Iniwasan niyang magkamot ng ulo.

''He used to send me L.L.''

''L.L.?'' tanong niya. As in lollipop? Ang cheap pala ni Papa manligaw?

''Love letters..'' pagtatama ng Mama niya. ''Ang corny nga ng mga sinusulat niya 'don.'' Humagikgik ito na parang may nakakakilig na naalala.

Hmm.. A love letter?

''Okay, Ma.. Thanks!'' Humalik siya sa pisngi ng Mama niya sabay takbo sa kwarto niya sa taas.

A Love letter! Perfect!

Bakit hindi niya agad naisip ito?

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon