Chapter 31: Preparation

2K 27 0
                                    

*******************

Chapter 31

++MIO++

''I'm so excited.. And I just can't hide it.'' pakanta-kanta pa si Lee habang pabalik-balik sa classroom at nag-aayos ng mga upuan.

''Nakakainis siya lalo pag tuwang-tuwa siya..'' comment sakin ni Zaydie. Napangiti naman ako.

Sinasaniban na naman ng masamang espirito ang bestfriend ko. Hahaha..

Bukas na ang School Festival kaya naman wala silang klase ngayon para bigyan sila ng sapat na oras ng maghanda para sa mga napili nilang gawing stalls.

Dahil nga Cafe ang gagawin namin, marami kaming ihahanda, gaya ng paglulutuan at ang mga pagkaing lulutuin. Hehe..

Napagdesisyunan namin na mga cakes, cookies, brownies at iba pang matatamis na tinapay ang ilagay sa menu, na pwedeng ternuhan ng kape, hot chocolate, tea or shakes..

Mmmm.. Charap. Charap. ^_______^

Nagugutom na ko, iniisip ko pa lang. Nakakainis lang, hindi naman ako makakakain. Kaylangan kong magtrabaho. TT_______TT

Nakuha naman ni Wyn ang atensiyon ko ng dumaan ito sa harap namin.

Mag-isa kasi nitong buhat-buhat ang ref na nirentahan namin..

Wow, Mamaw.. O_________O

''Fred, okay na ba 'to?'' tanong ng classmate namin na nagdidikit ng pink wallpaper sa mga pader ng classroom namin.

Tingin naman ako, hindi naman ako si Fred. Hehe.. :p

Unti-unting natransform ang classroom namin sa isang mini-cute pink cafe.

Hindi na rin masama sa mga first time nag-effort. Baka nga makasama kami sa pagpipilian ng Best Booth/Stall..

For the first time din, bubuksan ang School Festival sa ibang mga schools. Kaya naman kahit mga hindi taga LNSHS ay pwedeng pumunta..

''Ladies..'' tawag ni Farah sa lahat ng mga babae sa klase, ang vice-president ng klase na Cosplayer din.

''Huwag niyong kakalimutan: bow at ngiti. Tuwing may dadaan babati at magbobow ng nakangiti. Service with a Smile. Pagkukuha ng order, magpacute muna kayo bago ibigay ang Menu sa costumer--''

''Tssshhh..'' kontra ni Zaydie.

Tiningnan naman siya ni Farah at tumungo ito.

''Pagka-naka-order na, ngumiti, magpasalamat at mag bow ulit. Pagdadala ng pagkain, nakangiti pa din--''

Napangiti naman ako, ng sa likod ni Farah ay tumigil si Lee at seryosong nakikinig habang tumatango-tango..

''Basta cute lagi at nakangiti.'' parang aburido na, na putol ni Zaydie bago ito tumingin ng masama kay Lee. ''Bakit ka nakikinig? Gusto mo ding magsuot ng maid costume?!''

''Hindi po, Mam!'' parang takot na takot na nagmamadaling bumalik sa ginagawa niya si Lee.

''Okay? Okay!'' sigaw ulit ni Farah na nakangiti.

Pagkaalis naman nito ay bumaling si Zaydie sa kanya. ''Bes, pag di ako nakapasok bukas, may sakit ako ha?''

Binato ko ito ng styrofoam. ''Pag ako iniwan mo dito mag-isa bukas, hindi kita mapapatawad.''

(___ ___'') <-- ZAYDIE

''Kung sino man ang pasimuno ng Maid Cafe na 'to, sana matalapid siya at--''

*blag!*

''Pare, okay ka lang?'' tanong ni Wyn kay Lee sa di kalayuan.

Sumabog naman ako sa kakatawa dahil kitang-kita ko kung pano natalapid si Lee. Mabilis lang ang karma pag may kinalaman si Zaydie?

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon