Chapter 11: The Curse of the Motorbike

2.5K 25 0
                                    

AN_

Wynter's bike.. cool, right?

Enjoy reading.. :))

*******************

Chapter 11

++MIO++

Kakatapos lang ng klase nila..

Pinauna na niya ulit si Zaydie at palabas na siya ng school para magantay kay Kit ng hindi sinasadyang makasalubong niya ito at si Tori..

Naguusap ang mga ito kaya hindi siya napansin ni Kit.

Hindi naman niya maiwasang aminin na bagay ang dalawa para sa isa't isa at hindi magiging kataka-taka kung sila ang magkakatuluyan sa huli..

O, bawal magselos.. >___<

Hihintayin pa ba niya si Kit?

Baka may puntahan pa sila?

Tumalikod na lang siya at dumiretso na paglabas.

''Karate girl!''

May sumigaw..

K-karate girl? O///O

Napalingon siya kahit hindi niya siguradong siya ang tinawag..

Nakita niyang papalapit na sa kanya si Wyn. Tumigil naman siya at inantay ito..

''Anong tawag mo sa'kin?''aburido niyang tanong dito ng katabi na niya ito.

''Mas cute ka pag nagagalit ka..'' sabi naman nito sa kanya.

''Ay, close tayo?'' pang-asar niyang tanong dito. May pagka FC pala ang taong ito.

''Magkaklase tayo, di ba?'' ngumiti pa ulit ito.

Napansin naman niyang mas gumagwapo ito kapag nakangiti..

O///O

Ano bang mga iniisip ko?

ERASE. ERASE.

''Pauwi ka na?'' tanong nito sa kanya.

''Bakit?''

''Ihahatid na kita. Tara?'' kinuha nito sa kanya ang dala niyang maliit na bagpack at isinukbit niya ito sa balikat nito.

''HA?'' yun lang ang nagawa niyang sabihin bago siya hawakan nito sa magkabilang balikat at itulak siya nito palabas na parang push cart sa grocery.

Kita naman niyang pinagtitinginan siya ng ibang mga estudyante pero parang walang pakialam ito.

Tumigil sila sa harap ng isang itim na motor. Nakita niyang may babaeng 4th year student na nakatayo at nagaantay doon..

Ngumiti ito ng makita si Wyn.

''Kilala mo?'' bulong niya kay Wyn.

''Hindi..'' umiling ito.

''Hi, Wyn!'' nakangiting bati nito sa kasama niya.

Dirediretso naman si Wyn at itinayo ang itim na motor at isinuot ang isa sa dalawang itim na helmet.

Huwag mong sasabihing dyan kami sasakay? O______O

Tumingin si Wyn sa kanya at inabot sa kanya ang isa pang itim na helmet.

Nagdadalwang isip naman siya kung aabutin niya ito..

Ang babae naman sa tabi niya ay mukhang gulat na gulat.

''Papasakayin mo siya diyan sa motor mo?!'' tanong ng babae.

O bakit, bawal? >___<

''Sabi mo hindi ka nagpapaaangkas sa motor mo ng mga babae?'' parang galit pa na pagpapatuloy nito.

Talaga? E bakit siya pinapasakay nito?

O____O

Baka may sumpa ang motor?!?!?!?!

*******************

AN_

ganda ng ending no? hahaha..

ang next chapter ay: 

Chapter 11.5: The Curse of the Motorbike2.. >///<

please LIKE. VOTE. and most especially, please leave a comment.. :))

Godspeed! ^_____^

-- luna <3

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon