Chapter 40: First Date-Part 1

2K 28 4
                                    

@@@@@@@@@@

Chapter 40

++MIO++

''Sakay..'' utos sa kanya ni Kit ng pagbuksan na siya nito ng pintuan ng kotse na nakaparada sa parking lot ng hospital.

Sumakay naman siya agad agad. Para kasing may sumpong na naman ito..

Si Kit na ata ang pinakamoody na tao na nakilala ko. Pag minsan masungit at suplado, pag minsan naman mahilig mang-asar at madaling mapikon, pag minsan tahimik lang at pag minsan parang bata at kulang sa pansin.

Ng makasakay na ito sa kotse ay pumaling ako sa bintana.

''Mio..'' narinig kong mahinang tinawag nito ang pangalan ko pero hindi ako lumingon.

''Oh?'' sagot ko na lang.

''San mo gustong pumunta?'' tanong nito.

Ha? Sa puso mo, pwede? Hahaha. Uso yun dati e, pa-try lang.. :p

''Sa bahay?'' sagot ko sabay harap dito kaya naman kitang-kita ko na kumunot ang noo nito.

''Sa bahay niyo tayo magdadate?''

(O/////O)

Ha?! D-date?! Seryoso?!

Ganito na yung mukha ko.

--> (O____o)

''Oh? Ba't ganyan ang mukha mo? Ayaw mo ba?'' tanong agad nito sa reaksiyon ko. ''Sige.. umuwi na lang tayo.'' sabi nito at inistart na nito ang kotse.

Para namang biglang nagrebelde ang utak ko. Ang sinisigaw nito ay: DATE! DATE! DATE! DATE!

''Huwag!'' kahit ako ay nagulat ng bigla akong mapasigaw. May sarili atang utak ang bibig ko.

Nakakahiya oh! (>____

Baka naman sabihin ng lalaking 'to na gustong gusto kong makipagdate sa kanya!

Teka.. gusto ko naman talaga ahh. Kaso nakakahiya lang umamin.

Ikaw ba ang yayain ng gwapong nilalang na 'to na makipagdate, aangal ka pa?

(>////

Tumingin ito sakin at abot tenga ang ngiti nito. Tssshhh! Tuwang-tuwa pag napapahiya ako oh!

''Oh since gustong-gusto mong matuloy ang date na to..'' sabi nito habang tawa ng tawa. Umirap naman ako. ''San mo gustong pumunta?''

Hmm. San kaya? San kaya?

''Ahh, alam ko na..'' ngumiti ako. ''Pero dumaan muna tayo sa grocery.''

Mukhang naguguluhan naman ang itsura ni Kit pero pinaandar na nito ang kotse papunta sa pinakamalapit na grocery.

Ilang minuto pa ay pumarada kami sa harap ng Megamart. Nauna naman itong bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Gentleman talaga si Kit. (^_____^)

Pagpasok namin sa loob ay parang gulat na gulat ang mga babaeng saleslady. Ngayon lang siguro sila nakakita ng gwapong maggogrocery, hehehe.

Nagunahan pa silang lumapit kay Kit at may kanya-kanyang basket na iniaabot dito..

''Sir.. Akala po namin twice a month lang po kayo naggogrocery. Hindi po tuloy kami nakapagprepare.'' pacute na sabi ng isa.

Anung magpeprepare? Artista lang, Kit? Tsaka close sila? FC lang eh.. Lagi bang naggogrocery dito si Kit?

''Sir, gusto nyo po ipagdala ko na po kaya ng basket?'' pagpiprisinta pa ng isa.

Eh ate, may kamay naman siya ah? Kita mo? Kita?

(>____

T-teka! Bakit ba inaaway ko sila sa isip ko? Nagiging warfreak tuloy ako. Parang affected much lang..

Sealed With A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon