@@@@@
Chapter 60
++CHESKA++
''Argh!''
Itinapon ko ang remote control sa tv at nabasag ang monitor nito.
Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok ang mga walang kwenta kong magulang.
''Cheska, honey, anong problema?'' lumapit sakin si Mommy pero agad din itong napaurong ng maramdaman nitong merong posibilidad na magwala ako.
''Anong problema?! Are you seriously asking me that?!'' sigaw ko.
''Cheska, dear, ano pa bang gusto mo? I did what you asked. Announced na sa media ang enggagement mo sa apo ni Mr. Jansen, di ba?''
Kinuyom ko ang kamao ko at naisuntok sa kama kung saan ako nakaupo.
''But that's not enough! I want all of them to suffer! I want them to beg me! I want to see them hurt!'' sigaw ko.
''H-honey, c-calm down.. sabi ng doctor, hindi makakabuti sa'yo ang ma-stress--''
''Shut up! You're both useless!'' binato ko sila ng unan. ''Get out of my room!''
Agad naman silang lumabas and I smirked.
Masama ba kong anak?
Whatever, I don't care..
Kasalanan ko bang takot sakin ang mga magulang ko?
Actually, hindi talaga sila takot sakin.. mas takot lang silang mawalan ng anak.
Ilang beses nakunan ang mom ko before I was born.
Siguro dahil na rin sa paulit-ulit nilang naranasan ang sakit kapag nawawalan ng anak ay masyado silang natakot at ini-spoil ako masyado.
Am I a heartless bitch?
Blame my parents. They raised me into one..
Dapat nga sanay na sila sa ugali ko tuwing meron akong gusto na hindi ko makuha.
And right now, I'm frustrated dahil hindi nasusunod ang mga gusto kong mangyari..
My plan was to hit two birds with one stone.
Ayon ay ang makuha ang lalaking gusto ni Tori at pahirapan siya.
But now my target has changed.. wala na ang satisfaction kong makita siyang nahihirapan, it is Mio and Kit whom I want to suffer.
Bakit? Kasi 'yun ang gusto ko..
Masaya kayang manira ng relasyon ng dalwang taong nagmamahalan.. Try niyo minsan.
Sobrang nakaka-entertain, lalo na pag nakikita niyong hirap na hirap na talaga sila, at halos magmakaawa na sila sa'yo para lang tigilan mo na sila.
Am I crazy? Probably..
I'm a sadist at heart and I hate happy endings.
If I can't have one, then no one deserves one..
They won't be happy together as long as I'm around.
@@@@@
++TORI++
''--divide this all by 24, then subtract--''
*toc* *toc* *toc*
Napangiti ako dahil halatang-halata sa mukha ni Mam na bad trip ito sa kung sino mang malakas ang loob na umaabala ng klase niya.
''Ms. Klade?''
Napatayo kaagad ako sa sobrang gulat. ''Yes, ma'am?''
''May naghahanap sa'yo sa labas. You're excused..''
Nilingon ko si mam bago ako lumabas. Bakit parang namumula-mula pa ito?
Binuksan ko na ang pinto at isinarado ito pagkalabas ko. Hindi ako sanay na tahimik ang mga hallways sa building namin.
Nakakapanibago, kasi lahat ngayon ay nagkaklase.
Muntik na kong mapasigaw ng may biglang humapit sakin sa bewang.
Pero ng makilala ko agad ang mga matang tinititigan ko ay agad na akong nakahinga ng maluwag.
''Psh! Kade! Aatakihin na ako sa'yo eh.'' saway ko dito sabay hampas sa braso nito.
''Sorry..'' tatawa-tawang paumanhin nito. ''Gusto lang kitang gulatin.''
''Well, congratulations. Nagtagumpay ka..'' sarcastic kong pagkakasabi.
Tumawa naman ito at hinawakan ang kamay ko. ''Halika na..''
''Oi, anung halika na? May klase kaya ako--''
''Excused ka na..'' nakangiting sagot nito.
Nameywang ako at tinaasan ito ng kilay habang may pang-asar na ngiti sa mga labi ko. ''Anung ginawa mo kay Mam, ha?''
Isinuklay ni Kade ang kamay sa buhok niya. ''Kasalanan ko bang I'm irresistable?'' sabi nito sabay kindat.
I mimicked vomiting at tumawa naman ito sabay hawak ulit sa kamay ko.
''Bad influence ka, Kade..'' pangloloko ko dito.
''Ha? Bakit?'' pa-inosenteng tanong nito habang naglalakad na kami.
''Tinuturuan mo kong mag-cutting!'' hinampas ko ulit ito sa braso habang natawa.
''Ipinagpaalam naman kita ahh.'' nag-pout ito na parang bata.
Napangiti lang ako. Kasi parang sinasabi ng puso at isip ko ang mga salitang..
''Enjoy while it lasts..''
@@@@@
argh, pakiramdam ko filler lang 'tong chap na 'to. pero sana magustuhan nyu pa rin. sunod sunod ang WB ko eh! aish. nakakabaliw!
gusto ko lang bigyan kayo ng 'sumthin 'sumthin. haha. babawi na lang ako next chap..
only a few chapters left!
*drum roll*
thanks guys! tsaka sa mga nagVOVOTE at nagFOFOLLOW, thank you! (^____^)/
x.o.x.o.
-- luna <3
BINABASA MO ANG
Sealed With A Kiss
Teen FictionNakapagsulat ka na ba ng love letter para sa crush mo? And by some twisted fate ay nabasa ito sa harap ng buong student body during a flag ceremony? Well, dito nagsimula ang story ni Mio and how she found.. *gulp* ..true love?? Copyright © 2013 sola...