Chapter 14

3.5K 180 43
                                    

Wander's POV


Bumalik ako sa kwarto namin ni Natalie. Humihilik siya sa sarap ng kanyang tulog, so cute. Kinuha ko ang aking selpon at kinuhanan siya ng picture habang tulog. Sinet ko agad itong wallpaper.


Mahigit tatlong oras din siyang tulog. At mahigit tatlong oras ko din siyang tinititigan.

I can't wait to marry this woman.


Biglang pumasok sa aking isipan ang kasal. Ngayon na alam ko ng magkakaanak kami ay hindi ko maiwasang magplano ng future namin.


Nakakataba ng puso kapag naiimagine ko palang na may tatawag na sa aking "Daddy"


Fck ang sarap pakinggan. Lalo na kapag si Natalie ang ina.



Wala akong ginawa maghapon kundi ang magsearch sa internet ng kung ano ano related sa pagbubuntis. Tinawagan ko din ang lola kung nasa New Jersey kung paano ba ang tamang magalaga at tamang gawin pagbuntis ang asawa.



Lola and I are so close. I tell her about Natalie and our soon to be baby, excited na siyang umuwi sa Pilipinas makita lang ang mag-ina ko. But I hope hindi niya muna sasabihin kina Dad at Mom ang tungkol sa bata. Knowing my parents, their unpredictable. Ayokong madamay ang mag-ina ko dito, I don't want to lose both of them if ever may gagawin mang reckless things ang magulang ko.




Wala akong kadamay ngayon kundi si Natalie lang at ang anak namin na nasa sinapupunan niya.



Nagpreprepare ako ng dinner naming dalawa ng marinig ko ang iyak galing sa kwarto namin. Tinakbo ko ang distansiya ng kusina papuntang kwarto dahil sa pagalala baka mapano si Natalie.


"What happened?? Why are you crying?!" I ask panicking.



"Ih kasi yung chocolate bar love, ih. Hindi ko mabuksan!" nabunutan naman ako ng tinik. God, akala ko naman may nangyaring masama.




"Ako na baby." inabot niya sa akin ang chocolate bar na binuksan ko namang agad.



"Here" tuwang tuwa naman niya akong niyakap habang kinakain ang chocolate.


"Baby, bili moko santol pweassshhh," nag puppy eyes naman siya kaya hindi ko matanggihan.


"Sure, ano pa gusto ng baby ko? Hmm?"


Umakto naman siyang nagiisip.


"Uhmm pizza tapos peanut butter" tumango namang agad ako.



"Okay pero tatapusin ko muna yung niluluto ko mahal ah."



"Okay dokii,"



She focus her attention sa chocolate na kinakain. I read this in the book earlier, that pregnant woman's are so sensitive.





Sinabi din sa akin ni Lola na halos lahat ng mga buntis ay matatakaw at mapipili sa pagkain. She also said na kailangan ay habaan ko ang pasensiya ko, kaya as much as kaya ko, gagawin ko para sa ikakasaya ni Natalie.





Happy wife, happy life Ika nga nila.



Though hindi ko pa siya asawa pero dadating din tayo dun soon.




~~~

Nakatingin lang ako kay Natalie habang kumakain siya ng pizza na pinalaman niya ng peanut butter. Kakauwi ko lang, hindi ako nagtagal dahil naghihintay si Natalie sakin. Or sabihin na nating naghihintay siya sa pagkaing dala ko.



Make Me Straight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon