Chapter 16

3.3K 145 26
                                    




Lumipas ang isang buwan nang maikasal kami ni Wander.



Tatlong buwan na rin ang pinagbubuntis ko, sa katunayan ay kaya ko pa naman magtrabaho, si Wander lang talaga itong OA. Nakahiga ako sa kama namin habang hinihimas himas ang maliit na tiyan, nasa duty ngayon ang asawa ko, at mamaya pang seven ang uwi.



Sinabihan rin ni Wander sina Tatay at Nanay na sa bahay nalang namin sila titira para may kasama ako, walang nagawa sina Nanay dahil nahihiya silang tanggihan ang son-in-law nila.

Natuwa naman ako kasi hindi ako magiisa dito sa bahay, sa laki ba naman nitong Mansion, malulungkot ka talaga kapag magisa ka lang. Kapag weekends naman ay dumadalaw si Mom at Dad sa bahay. Hindi ko maiwasang matuwa kina Wander at Kuya Wave dahil nirespeto ng mag-asawa ang mga choices at decisions ng magkapatid.


Nilibot ko ang aking tingin sa silid ng kwarto namin ni Wander. Modern ang pagkadesign nito, kita sa malaking bintana ang garden na katabi lang ng making swimming pool. Napunta ang aking tingin sa napakalaking larawan namin ni Wander nung ikinasal kami. Mukha kaming Hari at Reyna sa suot, pareho kaming masaya at may ngiti sa mga labi.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang pagring ng aking cellphone. Agad ko namang kinuha ito sa lamesa katabi ng kama. Napangiti ako sa nabasa kong text message galing sa aking asawa.

From: Handsome Baby

'Did you eat your lunch already? Btw I miss you:( I wish you're here baby:'( Ily'


Nagtipa naman ako ng reply.

To: Handsome Baby

'Yep kakatapos lang namin Babe. Sino ba sa atin ang nagpumilit na magresign ako sa trabaho ah? OA kasi ni Mister ih=_='

Napatawa naman ako sa nireply, kahit hindi ko siya kita alam kong nakasimangot ito. Tsk


From: Handsome Baby

'It's better to be safe and prepared. Paano kapag manganak ka ng nakaduty? As your Handsome Yummy Hubby you don't have a choice but to stay home and just relax. Ano pa at naging Asawa mo ko kung hindi ko kayo maprotektahan. So please babe, don't stress yourself ok? I love you'


Ang sweet talaga ng asawa ko! Nakakainlab lalo ih, sweet na nga yummy pa! hehehe



Nagpaalam din si Wander dahil may emergency ito. I check my socials baka may mga messages akong hindi ko nabuksan kagabi. At tama nga ako, meron nga, galing ito kay James.




Binuksan ko ang chat niya,

Pwede ba tayong magkita ngayon? May ibibigay lang sana ako.

Don't worry, nagpaalam ako sa asawa mo.

Nung una, ay nagaalinlangan pa ako. Baka kasi malaman ito ni Wander at magaway kami, pero gaya nga ng sabi ni James ay nagpaalam naman siya sa asawa ko.


Naabutan ko si Nanay nagtatahe ng short ni Natasha. Samantalang si Tatay naman ay nilalaro si Nancy. Thursday ngayon at may klase pa sina Nestor, Natasha at Nelson. Kaya kaming apat lang ang natira dito sa bahay. Napansin naman ako ni Tatay na nakaayos kaya nagtaka siyang tinignan ako.


"Lalabas lang ako saglit Tay, Nay. Sa Cafe ni Mang Tomas lang po ako," Pagpaalam ko sa kanila.

"Mukhang importante yan nak ah, segi hatid na kita."


"Ay wag na Tay. Magpahinga nalang po kayo, kaya ko pa naman ito" Ngitian ko si Tatay. Alam ko kasing nagararo siya kaninang umaga. Bumeyahe pa siya para lang magararo nang palay ni Mayor.


Make Me Straight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon