Chapter 15

3.5K 151 34
                                    


Warning: this chapter contains Mature scene, and it's not suitable for young audience. Read it at your own risk. Read it responsibly.


Dumating ang araw ng kasal namin ni Wander. Hanggang ngayon hindi parin nagsi-sink in sa isip ko na ikakasal na ako sa lalaking pinakamamahal ko.

I mean, malaking responsibilidad ang pagpapakasal. Sino ang magaakala na pinapangarap ko lang noon ay matutupad na ngayong araw.

I just realized, nang dumating si Wander sa buhay ko, lahat nalang ata ng impossible naging possible.

"Ang ganda mo anak," napalingon ako kay Nanay. Maingat niyang hinaplos ang aking nakaayos na buhok.

Nanunubig ang kanyang mata, makikita mo kung gaano siya kasaya para sakin. Parang may humaplos sa aking puso, hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil iyon ng mahina. Ngumiti ako kay Nanay para pigilan ang aking mga luha.

"I'm sorry Nanay ah, kung nabuntis ako kahit hindi pa kami kasal. Sorry po talaga Nay, nadisappoint ko kayo ni Tatay," nahihiya ko siyang tinapunan ng tingin.

"Ang bata ay napakagandang biyaya galing sa Diyos. Aaminin ko mang medyo nadisappoint ako sayo, pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sayo Natalie. Walang makakatalo sa pagmamahal ng isang magulang, tandaan mo yan anak," napangiti ako sa sinabi ni Nanay.

"Mamaya ka na umiyak alalahanin mo ang make up mo anak, wala na tayong oras para magretouch," tumawa naman kami pareho.

Maya maya pa ay tinawag na kami ng event organizer dahil magsisimula na ang misa.

I sign a cross, thanking to God.

Lord thank you for this wonderful day, salamat po sa pagtupad nang pangarap ko. Thank you for healing my wounds, Thank you for making me the happiest, and thank you for giving me Wander. As I walk towards the aisle I promise to you my God, na siya lang ang lalaking mamahalin ko habang buhay. Amen.

~~~~

Wander's POV

"Naiihi yata ako," kinakabahan ani ko.

Ngayon ang araw ng kasal namin ni Natalie, at hindi na ako makakapaghintay na maging Misis Dela Cruz ko na siya.

Katabi ko ang nakakatandang kapatid ko na si Wave. Siya ang best man ko ngayon.

He rolled his eyes on me, "Bro chill hindi ka tatakasan ni bebe Nat," masama ko siyang tinignan.

"Sumbong kita kay Bebe Laura gago ka," ngisi ko sakanya.

"Don't call my Woman 'bebe' I'm warning you Wander."

"Same kuya, same."

"Mga seloso," sabay kaming napalingon kay Daddy.

"Mana sayo Hon," natawa kaming tatlo sa naging reaksyon ni Daddy. Napasimangot siya dahil nangaasar siyang tinignan ni Mom.

Nakakagaan ng loob ang eksinang ito. We never laugh like this before. We never really had a moment.

"Start na po tayo Ma'am, Sir. Yung bride papunta na po," nakangiting saad saamin ng assistant organizer.

Mas lumakas ang kabog sa aking dibdib. Lalo na ng bumukas ang pinto ng simbahan. Lahat ay nagsitayuan at tumingin sa kanilang likod.

Hinanap ng aking mata si Natalie. Three days kong tiniis ang hindi siya makita.

Magpartner si Sy at Lou. I smirked at my bestfriend. Kaya pala tinanggihan niya ang pagiging best man sa kasal ko kasi gusto niyang ipartner ang dating asawa.

Nagsimulang maglakad si Natalie papunta sa akin. The background music plays as Natalie walks her way to the aisle. Hindi ko maalis ang aking mga tingin sa kanya. Sobrang ganda niya na para siyang reyna sa kanyang White gown na suot. My Queen.

Make Me Straight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon