(Natalie and James untold love story)
"Hi! Excuse me Miss, may nakaupo ba dito?" napalingon ako sa nagsalita, I saw a man smiling widely at me while pointing the seats next to me. Hindi ako nagsalita, tumango lamang ako sa kanya bilang sagot.
I'm not really a vocal person. Sa katunayan ay wala naman talaga akong kaibigan dito. Sarili ko lang ang kakampi ko, well di ko naman sila masisisi. Sino ba naman ang gustong kumaibigan sa tulad kong scholar sa Universidad na ito?
21 years old ako, third year college, Nursing ang kinuha kong course.
(A/N: isipin ninyu nalang na naabutan nila yung k-12 guys hihi)
Umupo ang lalaki sa tabi ko, tahimik lang akong pinakiramdam siya.
"Amm Hi, Hi ulit hihihi," hindi ko siya pinansin. Baka kasi nagaasumme lang ako, ayaw ko naman mapahiya.
Nagulat ako ng may tumusok sa tagiliran ko, may kiliti pa naman ako dun!
"Sorry! Sorry! Ikaw kasi ih, ayaw mo akong pansinin! Gusto ko lang naman makipagfriends sayo." Tila nagtatampo niyang sabi.
Ano ba problema nito? Masyado siyang papansin. Hindi ba niya gets na ayaw ko siyang kausapin?!
"Uy ito naman! Parang sira, nakikipagkaibigan lang naman ako ih!"
Naiinis ko siyang nilingon. "Pwede ba? Tanga ka ba or ano? Ayaw kitang kausapin, hindi mo gets?" mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko.
Ang harsh ko naman ata sa kanya? Nakakaguilty naman ito ih!
"Ah ganun ba... Okay" humarap siya sa may mga tao at tumitig lang dun.
"Sige na nga! Sorry na oh! Okay? Friends na tayo." agaw ko sa pansin niya. Hindi niya ako pinansin. Lakas talaga makaguilty itong lalaking ito! Teka nga, ano nga pala pangalan nito?
"Uy.. uy!" di niya parin ako pinapansin. Ah ganun ah, humanda ka sakin.
"Friends na nga tayo!" Binatukan ko siya ng malakas, napaaray siya sa sakit.
"Ouch! Grabe napaka-amazona mo naman! Seryoso, babae ka ba talaga?" Kita sa mukha niya ang sakit, pero ngumiti din naman.
"Sabi mo yan ah! Friends na tayo ah! Indi, Bestfriend na tayo!" inakbayan niya ako at ginulo-gulo ang nakaayos kong buhok.
"Ano ba?! Kung akbay, akbay lang! Walang pakealaman ng buhok!" naiinis kong sambit sa kanya.
"Hihihi peaceeeeeee."
"Ay teka! Sino ka nga ulit?" I ask him his name.
"Ako 'to si Natoy. Na mahal na mahal ka." He then wink at me.
"Ako din ito si amats, na babatukan ka! Gonggong mo kabonding."
"Joke! Ako nga pala si James. James Reid." inis kong inalis ang nakaakbay niyang kamay. Trip ba ako ng lalaking 'to? At bakit natutuwa pa ako sa mga corny niyang joke?
"Akala ko ikaw si Nadine. Nadine-monyo ka!" malakas naman siyang tumawa. May pa hawak pa siya ng tiyan, kala mo natatae na ewan. Pinagtitinginan na rin siya ng mga schoolmate namin.
BINABASA MO ANG
Make Me Straight (COMPLETED)
RomanceNatalie Santos, a 28 year old registered nurse once believed in happy ending. Ngunit mula noong naghiwalay sila ng long term boyfriend, who is now her ex-fiance ay hindi na ito naniwala sa "FOREVER" Ika pa ni Natalie ay pare-pareho lang ang mga lala...