(Hanz & Anacleth)Kasalukuyang nagluluto ako ng dinner namin ni Hanz, he requested to cook him adobong baboy, kaya bilang personal maid niya, I obey what he says.
Tinikman ko ang niluluto, I check the taste of my adobo, I want this recipe to be delicious and perfect kaya sobrang ingat ako sa paglagay ng paminta at panlasa.
Hanz on the other hand was busy checking some papers, napabuntong hininga nalang ako, he always make himself busy. Kaya lagi siyang nagkakasakit kasi wala siyang pahinga, kung pwede lang tumira sa Hospital gagawin niya.
Nang matapos ang niluluto kong pagkain ay agad kong inayos ang lamesa, nagsandok na rin ako ng kanin.
Umakyat ako sa itaas para tawaging si Hanz. Gusto kong makasama siya kumain, kahit ngayon lang ulit.
Simula kasi nung umattend kami ng anibersaryo ng Papa at Mama niya ay iniiwasan niya ako.
I noticed the door was open, kaya hindi na ako kumatok, I was about to call his name when he utter a word that broke me into pieces.
"I don't want to forget you, Steph. Please comeback to me, mahal na mahal kita."he was looking at the pictures of the woman he once love.
For how many months na naging personal maid ko siya, ngayon ko lang si Hanz nakita na ganito ka lungkot.
He was blaming himself for I don't know what reason. Ang alam ko lang ay namatay ang babaeng kanyang minamahal.
I envy Stephanie so much, kasi kahit wala na siya, mahal parin siya ni Hanz.
How I wish I was her.
I fake a cough, kaya napatingin sa akin si Hanz. He hide Stephanie's picture inside his wallet and wipe his tears away.
"Ana, may kailangan ka?"
"Ammm, tapos na ako magluto, kain na tayo?"
Tumayo siya at lumakad patungo sakin. Nilapasan niya lang ako, parang sinaksak ng maraming kutsilyo ang puso ko.
Nahihiya akong napayuko at sumunod sa kanya pababa.
I'm embarrassed of course, I expected that he will hold my hand. Pero nabigo ko yata ang puso at isip ko dahil hindi niya yun ginawa.
Nasa hapag na kami, tahimik kaming dalawa na kumakain. Hindi naman kami ganito? What's up with him? Sobra yata niyang tahimik ngayon.
"M-masarap ba ang adobo ko?" I said starting a conversation. We should not be awkward here!
"Amm y-yeah. It's delicious."
Naghari ulit ang katahimikan sa paligid namin.
"Ah... Mabuti naman nagustuhan mo, akala ko kasi nilagang baboy ang favorite mo, kaya nagtaka ako ng magrequest ka ng adobong baboy." he went silent for a minute.
"Ah, my problema ba? Hanz are you okay?"
"Yeah, it just that, this reminds me of someone I know." Mahina niyang sabi pero narinig ko iyun.
Hindi ko alam kung bakit nasaktan ako sa sinabi niya. Is it because I knew what his trying to point out? And knew who is that someone his talking about?
Tangina lang kasi, nandito ako oh, bakit hindi nalang ako! Ako nalang.
I was trying my best to hold down my tears.
"Si Stephanie ba? ha Hanz?" he look at me.
"Sorry, I heard you kasi kanina. That you don't want to forget her. That you wished she will comeback to you. That you love her so much." I managed to said those words to him without stuttering.
How can I be so desperate?! How can I be so stupid loving a man who still inlove with his past?
"Ana.." he was out of words to say.
"You know what Hanz? Hindi lang pala ako desperada, napakatanga ko! Minahal kita kahit alam kong mahal mo pa siya. I push myself to you kasi akala ko matutulungan kitang kalimutan siya. Nagpakababa ako Hanz! Nagpakaputa ako sayo para mahalin mo pabalik tapos, ano?! Ito gagawin mo sa akin?!" I burst out.
He tried reaching my hands pero winalsik ko ang kamay niya.
"Huwag mo kong hawakan!" nagagalit kong ani.
"Ana, calm down please."
"Mahal kita Hanz, binigay ko lahat pero siya parin. Siya nalang lagi! Paano naman ako? Wala ka bang balak mahalin rin ako?"
"I'm sorry, Ana. Hindi ko pa kayang magmahal ng iba. Siya parin ang gusto ko."
Natapos ang drama ng mapagod ako kakaiyak, nagising nalang ako ng maaga na sobra kong pagod.
Pagbangon na pagbangon ko palang ay parang binaliktad ang tiyan ko. I rushed towards the bathroom, doon ko sinuka lahat. Kahit na parang tubig lang naman ang sinusuka ko.
Napahawak ako sa aking ulo ng maramdaman kong matutumba ako. Shocks talaga! Ano bang nangyayari sakin?
I look at myself in the mirror, napadako sa tiyan ko ang aking tingin. Bigla akong nanlamig ng may maisip.
Dali dali akong nagbihis at umalis, as I ride the cab ay iniisp ko parin ang pwedeng mangyari.
I entered the pharmacy store and ask the lady in the counter.
Nakangiti niyang inabot sa akin ang binili ko.
Hindi ako umuwi sa Bahay at dumiretso ako sa mall. Diretsong C.R agad ako, as I enter the cubicle ay nanginginig ang mga kamay ko sa kaba.
"Lord, please huwag naman sana." Pipi kong panalangin.
Mamaya pa ay tumingin ako sa hawak kung bagay.
Agad na nanghina ang aking mga tuhod at napaluha sa nakita.
This is not happening!
Two lines...
Positive.....
B-buntis ako sa anak ni Hanz.....
I'm happy, yes. Pero may parte sa akin na nasasaktan sa magiging anak namin. Dahil pareho naming hindi alam kung tanggap ba siya ng Tatay niya o hindi.
Well I don't care! Kung hindi niya tanggap ang bata, so be it. Ih-lalayo ko ang anak ko sa kanya. Pagod na akong ipilit ang sarili ko sa taong wala namang kasiguraduhan na mahalin ako. Lalo na at magkakaanak na kami.
~~~~
BINABASA MO ANG
Make Me Straight (COMPLETED)
RomanceNatalie Santos, a 28 year old registered nurse once believed in happy ending. Ngunit mula noong naghiwalay sila ng long term boyfriend, who is now her ex-fiance ay hindi na ito naniwala sa "FOREVER" Ika pa ni Natalie ay pare-pareho lang ang mga lala...