"His so cute! Para siyang little me ko, mabuti nalang at sa akin siya nagmana babe." masama kong tinignan ang Asawa. He wiggled his brows para maasar ako lalo. Kung hindi lang ako nakadextrose ngayon malamang kanina ko pa siya sinakal.
Buhat ng asawa ko ang baby boy namin, he was smiling while looking at Walter. Kaming tatlo lang ang tao dito sa room. Nagsiuwian na rin kasi sina Mom and Dad, tsaka si Nanay at Tatay. Babalik sila sa umaga para bisitahin kami. Pangtatlong araw na namin rito sa Hospital. Baka mamaya o bukas pa ako makakauwi.
Masayang tumitig ako sa aking mag-ama. Nililibang ni Wander ang anak namin saka hinele-hele ito. Mabuti nalang at hindi masyadong iyakin itong anak namin. Mana nga sa ama, masyadong tahimik at well behaved.
Well behaved nga ba? Hmmm
Kinuha ko ang cellphone sa tabi lang ng aking kama at saka kinuhanan ng litro silang dalawa. Mukhang hindi yata napansin ni Wander, busy siya sa anak.
Napabuntong hininga nalang ako, mukhang may kakumpetinsya ako nito ah.
Lumapit sa akin si Wander at binigyan ako nang halik sa pisngi. Kahit kailangan talaga itong asawa ko, sobrang sweet talo pa niya ang chocolate sa kasweetan niya.
"Babe." Tumingin siya sa akin.
"Hm,"
"Thank you, for everything. I'm sorry ulit kung napagbintangan kita, ah. Natakot kasi akong baka marealize mo na hindi mo naman pala ako Mahal. Sorry talaga." Naluluha kong sabi sa kanya. This past three days kasi kinakain ako ng guilt.
Alam ko namang sobra siyang nasaktan sa mga nasabi ko, ih. Hindi ko lang kasi na control yung selos ko. Hindi naman ako galit sa kanilang dalawa ni Joseph. Masyado lang akong assumera para magassume na nagchecheat sa akin ang asawa ko.
Nahiya ako bigla kay Joseph. Siguro isipin niya na ang drama queen ko. May paiyak iyak portion pa ko nung nakaraang araw.
My husband wiped my tears away. Hinawakan ko ang kamay niyang humahaplos sa pisngi ko, dinala niya ang kamay ko sa labi niya, he kiss my right hand and squeeze it gently. Napangiti ako sa ginawa niya.
"Wala na yun love, binaon ko na sa limot yun. Ang mahalaga ngayon, ay nandito kayo pareho sa tabi ko. Huwag ninyu akong iwan ng anak natin, ha. Mababaliw ako kapag nawala kayo sa akin. I love you and our son, and also our future childrens." ngisi niya akong tinignan saka bumaba ang tingin sa labi ko. Nilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ako ng buong puso. Hawak niya parin si Walter, naputol ang halikan namin nang may narinig kaming tumikhim. We both turn our gaze to the person standing in front of us.
It was Joseph.
He was just starting at us, mukhang wala siyang plano magsalita. Umayos agad kami ng upo ni Wander dahil nakakahiya, nakita niya kaming nagkikisss.
"Kanina ka pa ba jan?" Wander ask.
He shook his head. "Nope. Kararating lang namin." kumunot agad ang nuo ko sa sinabi niya. Namin?
He motioned his hands sa door, bumungad sa amin ang napakagandang babae na naka bistida na sky blue. She has this wavy brown hair, maputi ito and she looks classy. Mukhang mayaman ang babae. What's more shocking about it was the girl is pregnant?
![](https://img.wattpad.com/cover/263985362-288-k780696.jpg)
BINABASA MO ANG
Make Me Straight (COMPLETED)
RomanceNatalie Santos, a 28 year old registered nurse once believed in happy ending. Ngunit mula noong naghiwalay sila ng long term boyfriend, who is now her ex-fiance ay hindi na ito naniwala sa "FOREVER" Ika pa ni Natalie ay pare-pareho lang ang mga lala...