Ngayon ang araw ng community service namin.Maaga akong umalis ng bahay dahil may mga gamit pa akong aayosin sa Hospital.
"Himala ang aga mo ngayon." pabirong bati ko kay Lou.
"Syempre naman, I'm just excited! I can't wait to meet those children's ehhhh." nagniningning ang kanyang mga mata.
"Ang hilig mo sa bata."
"Super, to be honest I'm pregnant na nga ih." pabirong ani niya.
"Hindi ka mabubuntis ng daliri mo Lou." hinampas niya ako sa balikat.
"O my god Nat, so disgusting! Magayos ka nga lang diyan! Andami mong alam." suplada niya akong inirapan at nagmartsa paalis sa Nurse Corner.
Tumatawa akong pinagpatuloy ang pag aayos ng mga gamit para gagamitin sa check ups mamaya.
Nasa kaligatnaan ako ng pag aayos nang may humawak sa kamay ko.
"Hey," si Wander lang pala.
He was wearing a black dress shirt nakabukas ang dalawang buttones nito, paired with a black maong pants. He look more attractive as ever. Nakapakisig niya tignan sa kanyang suot. I smelled his perfume, amoy mamahalin.
"Good morning doc." bati ko sa kanya
"Morning." he look at what am I doing. "Kumain kana ba?"
"Opo."
"Finish that and then join me for breakfast."
"Tapos na po ako kumain doc." nahihiya kong sabi.
"Samahan mo lang ako." tumango ako bilang sang-ayon sa kanya.
Wala naman akong magagawa, hindi makapal ang mukha ko para tumanggi sa kanya.
Wander De la Cruz nayan! Tatanggihan ko pa?
Ng matapos ako. Tinawag niya si Manong Eko, isa sa mga Hospital personel namin. At inutos na dalhin sa van ang mga inayos kong gamot at gamit para sa check up.
Agad naman niyang hinila ako sa may Cafeteria.
"Ano gusto mo Natalie?" binaling niya ang tingin sa akin. Umiling ako sa kanya para tanggihan ang alok dahil busog pa ako.
"Busog pa po ako Doc."
"Anong busog? Payat mo nga, ih. You should eat more."
Hindi ko alam kung iniinsulto ba niya ako o ewan.
Eh sa kahit anong saksak ko sa bunganga ko ang payat ko parin. Hindi ko na masisisi na born to be sexy talaga ako.
Wander ordered tapsilog and beefsilog.
"Hindi ka ba kumain ng agahan doc?" taka kong tanong.
"Kakain ba ako ngayon kung nakapag breakfast ako kanina? tsk" ayon nabara ka.
Pasimple ko siyang inirapan. Hmp suplado kala mo nireregla.
"Here, eat this. Para naman magkalaman ka ng kaunti."
"Excuse me, hindi ako payat!"
"May sinabi ba akong payat ka?" he teased.
"Wala,"
"Yun namn pala, ih. Nilibre ka na nga nagrereklamo ka pa." bulong niya na narinig ko rin.
"Babayaran ko to"
"Kidding." he smiled.
Parang may mga paru-parung nagliliparan sa aking tiyan. Kinikilig ba ako?
BINABASA MO ANG
Make Me Straight (COMPLETED)
RomanceNatalie Santos, a 28 year old registered nurse once believed in happy ending. Ngunit mula noong naghiwalay sila ng long term boyfriend, who is now her ex-fiance ay hindi na ito naniwala sa "FOREVER" Ika pa ni Natalie ay pare-pareho lang ang mga lala...