Chapter 17

3.2K 158 24
                                    


"Doc! Room 149 Emergency!"

Agad na tumakbo papuntang room 149 si Wander. On duty siya ngayon, pasado alas syete na ng gabi at hindi pa siya makauwi dahil ang daming pasiyente sa Hospital. Dahil sa ayaw niyang magalala ang asawa ay tinawagan niya ito na gagabihin siya ng uwi. Hindi naman siya nagalala na wala itong kasama sa bahay dahil nakitira ang In-laws niya sa mansion na pinagawa pa ng parents niya.



Mabuti at pumayag ang mga magulang ni Natalie na doon na tumira sa kanila. Malaking pasasalamat niya sa mga magulang at kapatid ng asawa dahil sila ang nag-aalaga kay Natalie habang siya ay nasa trabaho.





Nang makarating sa room ng pasiyente ay agad niyang dinaluhan ang 19 years old na si Joy, nagwawala ito dahil sa sakit ng kanyang ulo. Tanging iyak lang ang nagawa ng magulang nito.





"Tanggalin ninyu ito pakiusap! Maawa kayo sa akin, patayin ninyu nalang ako! Hindi ko na kaya ang sakit! Doc kunin ninyu itong mga nakasabit-ahhh!" pinigilan niya ang luha sa nakita. Sobrang sakit ito para sa mga Doctor na kagaya niya, ang araw-araw makita ang mga paseyenteng nanghihina at nahihirapan sa mga sakit nila.






May tumor sa utak si Joy. Masyado na itong malala para magamot pa, pero siya at ang team niya ay hindi nawalan ng pagasa. Hanggat kaya pa nila ay mabubuhay nila si Joy.




"Ahhh! Maawa kayo! Patayin ninyu na ako! Ang sakit sakit na----ahhh!" sumigaw si Joy ng sumigaw habang hawak nito ang ulo.



Mabilis naman na tinurukan ito ng pampakalma, dahilan para makatulog Ito. Nagtinginan sila ng kanyang mga kasamahan. Tulad niya, naaawa din sila kay Joy.



Lumapit ang mag-asawang Bolivar sa kanya.


"Doc. Ano na pong gagawin namin? Ang pera po ay magagawan pa namin ng paraan, pero ang sakit na iniinda g anak namin ay hindi namin makakakaya. Awang awa na po kami kay Joy. Ilang taon na po niya itong iniinda, nasasaktan kami kapag nakikita namin siyang nagkakaganyan. Maawa ang Diyos, 'wag niyang kunin sa amin si Joy," mahabang pahayag ng ginang habang tumutulo ang mga luha. Ang asawa ay nasa likod nito tulad ng ginang ay umiiyak din ito.




"Ma'am we are doing the best that we can to save her. Don't lose hope, kakayanin Ito ni Joy. Trust the Process Mr. And Mrs. Bolivar," iyun lang ang nasabi niya.



Pinaliwanag niya sa mag-asawa ang mga kailangan pang gawin, ng masiguradong wala na siyang nakalimutan ay agad itong nagpaalam sa kanila para umuwi na.



"Going Home?" bungad sa kanya ng kaibigang si Sy. He was holding a cup of coffee.



Tinanguan niya ito. "I need to go home. My wife's waiting for me, kailangan ko pang magbasa ng fairytale story sa anak namin."


Every night, paguwi niya ay kakain muna siya saka maglilinis ng katawan at mahiga sa kama nilang mag-asawa. Bago matulog ay nagbabasa siya ng mga librong pangbata habang hinihimas ang tiyan ni Natalie.



"Sobrang alaga mo naman sa asawa mo, Sanaol."



"Iniwan mo kasi ang sayo." Nginisihan naman niya ang kaibigan.



Napasimangot ang mukha ni Sy habang siya ay tumawa lang.

~~~

Hubby buy me some banana cake please. Nagugutom kami ni baby:'(



Napangiti naman siya sa text ng asawa. Nasa third semester na ang pagbubuntis nito kaya naman hindi na masyadong naglilihi.




And ketchup. Thankyou<3 love you mwuahh<33

Make Me Straight (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon