Chapter 19: Plea

1.3K 40 5
                                        


Chapter 19

Veronica

"Please Nic, kahit ngayon lang," he held it so tight that it would take me so much effort to let go. Sinubukan kong makawala pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

Kalaunan ay sumuko din ako.

Ipinatong niya ang jacket sa likod ko na hindi binibitiwan ang kamay ko. Hindi pa siya nakuntento, pinagsalikop pa niya ang mga kamay namin. Tahimik muli kami papasok sa condo. The guard must have sensed na may away kami dahil hindi na siya bumati gaya kanina.

Aminado naman akong bumawe siya nitong mga nakaraan. Kung ako lang gusto kong paniwalain ang sarili kong mahal niya ako kung sana lang hindi ko na nakita ang picture ng ex niya sa wallet niya, kung sana lang may sinasabi siya. That moment, the first time he'd kissed me, naramdaman ko. It was pure, full of affection but I couldn't assure myself dahil wala siyang sinabi. One part of my head was telling me that it was probably spur of the moment.

Noon pa ramdam na ramdam ko yung pagaalaga niya, those things made me feel so special pero wala siyang sinasabi, we never started off as friends kaya inisip ko that he was just caring enough, at dahil nga sa kanya ako binilin ni daddy hindi ko mapigilang maisip na baka responsibilidad lang ang tingin niya sa'kin.

I have high hopes pero winala ko na ang expectations ko. That way I can easily cope up with the pain, pero kanina lang hindi ko na naman napaglabanan.

Sinubukan ko nang hablutin ang kamay ko nang makapasok sa unit. This time niluwagan na niya iyon. Aksidenteng napabaling ang tingin ko sa dining. He had prepared a food which was surprisingly too much.

Alam ba niyang hindi ako nakakain? Sa pagkakaalam ko nasa ex niya ang attention niya kanina.

" I prepared a meal for you, gusto mo pa bang kumain?" he asked softly. Malambing.

"I'm full and tired. Magpapahinga na ako." Hindi ko na siya hinintay na sumagot.

I went inside my room going to my bathroom to brush my teeth. Tinanggal ko ang roba bago lumabas.

Naabutan ko siyang naka upo sa sa silya sa gilid ng kama. Sa bedside may isang baso na ng tubig at may gamot ko narin.

I heaved out, trying hard to ignore him. He looked at me swallowing, his deep chinky eyes were tenderly looking at me like a plea. Nakikiusap,nagsusumamo.

Inalis ko ang tingin ko bago naglakad. Sasampa na sana ako sa kama pero mabilis niyang hinuli ang isang kamay ko, pinisil pisil iyon. Bago niya dinala sa mukha niya.

In my mind I wanted to let it go but his simple touch had become my weakness. Lagi akong nanghihina.

"I'm sorry..." he whispered his lips against my hand bago niya iyon dinala sa pisngi niya.

I swallowed hard, hindi siya tiningnan. " Bakit? Bakit ka pumayag na magpakasal sa'kin, Elj? Paanong walang ibang rason? If it's not pity and if it's not the company then what else?" napababa ang tingin ko sa kanya. No matter how hard I was trying to contain my tears kumawala parin iyon."S-sana hindi kana pumayag para hindi na ako umasa... Alam mong mahal kita. More than wanting to marry you, mas importante sa'kin ang kaligayahan mo. I have never questioned dad dahil akala ko pumayag ka dahil pangarap mong mapabilang sa kompanya. Kung iyon ang pangarap mo, iyon din ang pangarap ko..." Napahikbi na ako. "I tried my best not to meddle with your work dahil ayaw kitang maistorbong abutin ang gusto mo. Kinukulit kita, oo. I was sending you food, marami akong binibilin sa sekretarya mo, sa helper mo sa bahay even when you were in States for your MBA and like what you're always telling me na di na dapat ako nagaabala , ginagawa ko iyon dahil mahal na mahal kita, hindi iyon abala at masaya akong ginagawa iyon sa'yo... I know my attitude was too uncalled for earlier, believe me ayokong magalit sa'yo Elj, pero tao lang ako. I felt like battling a battle eversince with your ex that I can't seem to win..." sinubukan kong lumunok kahit ang sakit na sa dibdib. I have been wanting to ask him this for a very long time now, wala lang akong lakas ng loob. " S-siya parin ba, ha?" napapiyok kong sabi.

VERONICA (Montero Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon