Chapter 7: Neighbors

1.4K 56 6
                                    

Neighbors

"Kung napipilitan ka lang, pwede naman akong maghanap ng ibang matitirhan. I can live by myself," I told him after I got dress. I still wanted to eat the food that I ordered. Ang tagal kong pinanabikan silang kainin but he grabbed my hand.

"Paki dala ng mga gamit niya sa sasakyan," he ordered one of the hotel staff na nasa likuran niya.

"That won't buy on me now, Nica. Don't expect to eat the food you ordered. Halika na," he held my hand so tight and pulled me with him.

I tried to pull it back pero hindi talaga niya pinakawalan. Masakit pa kasi yung mga sinabi niya kanina.

I still feel depressed. Gusto ko lang maramdaman niyang nagtatampo ako.

I was breathing heavily from his hold but his palm felt warm and tender against my palm kahit na mahigpit ang pagkakahawak niya kaya hindi na ako nagprotesta nang makarating na kami sa sasakyan niya, ito naman kasi talaga ang gusto ko.

"Give me your key," utos niya at napalingon sa'kin. His chinky brown eyes were glaring at me impatiently.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan at walang sabing binigay sa kanya. Then he handed it to the staff.

Kinabit niya muna ang seatbelt ko saka niya pinasibad ang sasakyan namin.

He still held my hand hanggang sa makababa kami. Nagulat pa ako nang makita si Mang Andoy sa likuran namin. The vehicle that I drove earlier was behind us.

"Paki akyat nalang ng mga gamit ni Nica," sabi niya kay Mang Andoy.

"Ako na po ang bahala, Sir."

So it means sabay niya si Mang Andoy na pumunta sa hotel? Dumaan kaya siya sa bahay?

He unlocked his security lock at pumasok kami. I was already so hungry at wala akong ganang kumain ng pagkain ng may sakit, pinanghihinayangan ko ang mga inorder ko kanina.

"Stay here," utos na naman niya ng makapasok na kami sa living area at dumeretso siya sa kitchen.

Ano bang plano niya ngayon?He was so eager to send me away kanina tapos ngayon pinagpilitan na naman niya akong pinabalik. Hindi ko rin siya maintindihan.

I sat down at nilaro laro ko ang mga daliri ko.

Napaangat lang ako nang may nilapag siya table sa harap ko. It was a medicine kit.Tapos tumabi siya sa'kin.

"Drink this," he looked at me with his menacing eyes but he did not hand me the glass of water. Iniumang niya iyon sa labi ko. This time hindi na tunong matigas ang boses niya.

I held the bottom of the glass with both hands habang pinapainom niya iyon sa'kin. Then he sighed heavily pagkalapag niya nun sa table.

"What were you thinking? Do plan to kill yourself? Alam mong hindi ka pwedeng kumain ng pagkaing bawal sayo," he sounded so frustrated pero may halong lambing na ang boses niya. Kinuha niya ang kit at walang sabi ring kinuha ang kamay kong may sugat.

"Titikim lang naman ako. Hindi ko naman talaga iyon kakainin," I bit my bottom lip, pigil na pigil ko ang pagbilis ng hininga ko. He was so close habang maingat na ini examine ang sugat ko. Tumatama ang mainit niyang hininga sa mukha ko.

"That is still the same. Titikman mo o kakainin mo," sagot niya at dahan dahan at maingat na tinanggal yung plaster sa sugat ko. He readied the things he need then he cleaned it with antiseptic.

VERONICA (Montero Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon