Chapter 31: Rain

1.2K 35 4
                                    

Chapter Thirty One

NASAPO niya ang bibig niya at napatalikod, huminga muli siya ng malalim na parang kinakalma ang sarili.

"I want to make the most of this heart, Elj. Hindi pa naman ito malala. Okay pa naman ako. Gusto ko lang sulitin itong mga pagkakataong natitira pa."

I heard his harsh breathing. Nararamdaman kong gusto niyang magsalita pero wala akong narinig. Siguro pinipigilan niya ang sariling mas magalit.

Nahihirapan na ako. Mali pala ang naging desisyon ko. Dapat pala hindi na ako nagpakasal sa kanya at nilunok ko ang sakit para umiwas nalang. It was one of my option not until when Mariana said that I should only think of the now dahil marami pang pwedeng mangyari bukas o sa makalawa na hindi natin alam. I've always thought that it was a selfish decision at ito na nga ang ikinakatakot ko.

" Mangako kang hindi mo sasabihing nagpakasal na tayo sa parents ko, Elj,"basag ko sa katahimikan.

Hindi ko alam kung ano ang muling tumatakbo sa isip niya. He remained silent until it was too windy for me to stay there.

Inutusan niya si Bebang na ihatid na ako sa kwarto ko pero nanatili siya sa roofdeck.

















LUMABAS si Elijah mula sa study at nagkatinginan kami. His hooded eyes seems calm but I can feel that they were intense with concealed emotion. Mas lalo kong napagtibay ngayon that he was so good in hiding his true emotion dahil sa sinabi niya sa'kin sa roof deck. I knew his siblings and parents often tells me that. Kaya minsan it overwhelms me na nakukuha niyang umiyak sa harap ko simula nang inamin niyang mahal niya ako. Hindi ko alam kung ano na namang pinag usapan nila ni Daddy.

Ako mismo ang nagpasya na dito na ulit ako sa bahay. Wala namang pagtanggi mula sa kanya. Ngayon palang dapat ko nang sanayin ang sarili ko. Na hindi ko na siya laging makikita, mahahawakan at makakasama kahit mahirap para kung dumating man ang panahong iyon magiging maluwang na ang pagtanggap ko. At magiging mapayapa ako. I want to love him in peace while I take care of that impostor for him. Tuluyan lang akong mapapanatag kapag nalaman ko ang totoong motibo ng babaeng iyon.

If sa tingin niya tinablan ako ng mga litratong nakita ko. Nagkakamali siya.

ANO ANG PAKIRAMDAM NA HINDI LAHAT NG BAGAY AY PWEDENG MAGING SA'YO VERONICA?

I constantly received messages pero maingat akong 'di nag ri reply and I won't give her the satisfaction that she needs by replying kahit kating kati na akong budburan ng asido ang mukha ng babaeng iyon.

She visited a psychiatric facility yesterday after her pre natal check up. May binisitang babae pero hindi umano nito kamaganak. Kasalukuyan ko nang pina i-imbestigahan ang babae. Huwag kang masyadong mag isip ako na ang bahala. Just rest and enjoy. Hindi mo dapat ito iniisip. Were Marcus' words nang magkausap kami.

Lumapit sa'kin si Elijah pero umiwas ako at naglakad sa likod ng sofa, sinubukan kong hindi niya iyon mahalata.

Sinundan niya ako ng tingin. His eyes wasn't questioning pero nakatitig lang sa'kin like they were sighing.

" Dito kana mag dinner, hijo. Nagpahanda ako. I'm really sorry about the launching. Dapat ay naroon ka," tinapunan ako ng tingin ni mommy na parang nagpapangaral. Naka upo siya sa sofa at nag-uusap kami bago lumabas si Elijah.

" Pupuntahan ko muna si Daddy," sabi ko at nagtuloy tuloy na hindi siya tiningnan hindi na pinakinggan ang sagot niya kay Mommy.

VERONICA (Montero Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon