Chapter 22
Veronica
"Uy ito bagay kay Sir? Magmumukha siyang rock star," inabot ni Bebang sa'kin ang isang leather jacket. "Tingin ko lalo siyang popogi dito." Tinaas pa niya ang isang kamay at kumumpas kumpas. " CEO slash rock star."
Sinikmatan ko siya pero hindi ko na napigilang matawa. "Ibalik mo 'yan hindi yun nagsusuot ng ganyan ka quirky na kulay." Talagang dark yellow at may orange pa?
Elijah do have leather jackets in his closet pero kulay itim at brown lang. Those were from me, when he was going back and forth sa States, I used to shop for his four season clothing pero hindi ko alam kung nagawa niyang suotin yung leather jackets. His fashion is always on the sleek and safe side. Black, white, gray, brown, blue were his cycle of colors.
"Eh hayaan mo nang quirky kahit ano naman babagay sa kanya. Kahit nga siguro basahan babagay kay Sir."
Speaking of quirky.
Hindi ko na pinansin si Bebang. I got bored at gusto kong ipag shopping si Elijah.
I bought pastel yellow, green, pink, purple, orange, shirts, polo shirts for him. He do wear jeans but the formal ones, iyon rin ang binibili ko sa kanya but I'm sure he would look good with the tattered jeans too.
I'm so excited to see him wear these, sana hindi umiral ang pagka conventional at uptight niya.
Nilagay ko na iyon sa basket na hawak ni Bebang.
"Ay babagay yan kay Sir lalong magmumukha siyang Anghel," komento pa niya. " Anghel na bumaba sa lupa para paibigin ka Veronica!" Dagdag pa niya na pinanlakihan ko ng mata.
"Shut up," mahina kong sabi. " Bring that to the cashier."
"Oo na!"
Binunot ko muna sa wallet ko ang credit card. I chewed on my lower lip when I saw our photo together on the wallet frame it was the another photo na nilagay ko sa wallet rin niya. I was smiling with so much happiness while taking that selfie while he was hugging me from behind kissing the side of my head. He wasn't looking at the camera pero sa'kin.
I sighed and breathed in. Sobrang na mimiss ko na tuloy siya.
Sinundan ko si Bebang but on the way to the cashier may nahagip ako sa harapan niya.
That woman again!
"Are these the only items you want Ma'am? This is ten percent off, baka gusto niyong dagdagan?"
"Talaga, sale pala 'to?"
"Yes Ma'am. Para sa asawa niyo po ba?" the cashier look at her belly.
"Sa boyfriend ko. Medyo maselan kasi iyon at maarte. Hindi ko alam kung magugustuhan niya itong polo shirt. Isa nalang siguro muna, ayoko ring gastusin ang pera niya ng todo. Kahit sale 'to sobrang mahal parin kasi," she said and handed the cashier her card.
"Nic, hoy!Huy okay ka lang?!" naramdaman ko nalang na niyugyog na ni Bebang ang balikat ko. "Matatapos na ang isang customer akin na yung card mo," she said.
Kahit na sobrang sama ng pakiramdam ko nagawa ko paring maiabot kay Bebang ng maayos ang card. Ayokong may mahalata siya sa amin ng babaeng nasa harap niya. Pinigilan ko ang panginginig ng mga kamay ko.
"Pay for those items at mauna kanang umuwi. Mag taxi ka nalang. Pahintayin mo lang sakin sa parking lot si Mang Andoy. May kakausapin lang ako sa itaas," I said as I was looking at the impostor woman who was already waiting for her items na kasalukuyan nang ibinabalot.
BINABASA MO ANG
VERONICA (Montero Series # 4)
General FictionWarning: FOR MATURE READERS ONLY (Elijah Mathias Montero's Story) Not your ordinary villain story I do not own the photo. Credits to the rightful owner.
