Chapter 26: M10

1.1K 31 14
                                        

Chapter Twenty-Six

[Veronica's POV]

"MA'AM ito pa po ang mga pinagdududahan naming pwedeng traidor sa inyo." The woman gave me the list sa isang kaperasong papel.

Nanlumo ako nang mabasa ang tatlong nakasulat doon. Napatukod ang dalawang kamay ko sa sink.

Gwenyth Talomo
Jillian Veneracion
Gianni Capili

"Pa'nong nangyaring sila?! May ebidensiya ba kayo?" pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Ma'am di ba sinabi niyo na walang ibang nakakaalam maliban kay Elizabeth na personal niyong Yaya na susurprisahin niyo si Sir Elijah matapos iyong gabi ng chairmanship niya kundi si Gwen na acting head ng Marketing ninyo ngayon?"

"Gwen is working in our company for five years now. Ano namang kinalaman niya sa nangyari kay Elijah at sa impostorang babaeng iyon?"

I shrugged my thoughts bago muli sumagi sa ulo ko ang mga larawan ni Elijah at ng impostorang babae. Those photos na isinaboy ni Marcus were photos of Elijah and that woman in bed. Kahit hindi ko masikmura, I scanned through it. Sigurado na akong iyon ang pinag ugatan ng away nila.

Nakuha ng isa sa mga secretly hired kong tao sa IT department ang mga litrato. That guy was this woman's colleague, was according to her very genius daw sa pag ha-hack at pagiging techie. That's why I saw the photos, he was able to access Marcus' email at doon namin nakita ang mga pinadalang litrato. The thing was it was too hard to trace the source. Mukhang galing daw sa ibang bansa.

But Elijah's email was traceless. I was expecting to see the DNA result there but it was clean. Parang gusto ko rin magduda sa kanya kasi pakiramdam ko sa sobrang ingat niya, walang bakas sa email niya. Pero sinupil ko na agad iyon. Mahal ko si Elijah kaya may tiwala ako sa kanya kahit sobrang sakit lalo na at nakakaharap ko siya.

"Ito Ma'am pwede niyong panoorin if gusto niyong makita." Inabot niya sa'kin ang isang maliit na USB. "Lahat ng mga kadudadudang CCTV footages ng kompanya ninyo ay na save po ni Ryan diyan. Including Gwenyth na parang may tinawagan that exact same day na umaakyat ang impostor ninyo sa opisina ng fiance niyo. Si Jill rin po na halatang kina-usap ang impostor nang mag punta ito sa office ni Sir Elijah pero po may mga hand gestures siya na ginamit na silently na nakikipag commnicate sa babae na hindi naitago sa CCTV. At halatang alam na alam po ng impostor kung saan siya pupunta."

"Alam ko pong mula sa mapagkakatiwalaang agency ang mga bodyguards ninyo ni Sir pero si Gianni po ang personal na pinapasubaybay sa inyo sa vicinity, siya po ang may alam sa lahat ng mga naging lakad ninyo. Noong araw po na nag disguise kayo at pumunta sa clinic kung saan nagpa check up ang impostor, sinabi niyong nagulat ito sa ginawa ninyo na halatang wala itong alam na magkikita kayo. Wala itong alam dahil walang taong nakapag report sa kanya.

"Duda ko rin pong matapos ang gabi ng chairmanship ng fiance niyo ay si Gianni po ang may contact dito sa impostor if planted po ang nangyari sa kanila. O pwede rin ping si Gwen ang contact niya. According po sa inyo tatlo ang naging convoy ninyo nang pumunta kayo sa hilltop coffee shop ng gabing iyon."

What she's saying doesn't make sense at all. Only speculations? Malabo pa!

" At naisa-isa po ng asset natin ang mga babae sa club. May nakapagsabi na dalawang beses na umano niya nakita si Sir Elijah sa club na iyon pero matagal na iyong unang beses mga taon na raw po. Pero iyong mga kaibigan ni Sir ay medyo maraming beses na po. At ayon nga po sa kanila four months palang daw po nila nakita ang impostor pero may naka pagsabing, isa sa mga matagal nang escort na nakita daw umano niya ang babae a year ago, sobrang nag iba raw po kasi ang mukha nito ngayon. Ayon sa kanya puma part time lang ang babae noon sa mga VIP na clients bilang waitress. Walang nakakakilala sa kanya sa mga babae ngayon kasi umalis na rin iyong mga naging ka batch nito at hindi raw ito mahilig makipag kaibigan."

VERONICA (Montero Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon