Chapter 28 : Sin

1.7K 34 8
                                    

Chapter Twenty Eight

Veronica

I WANTED to ask him, why? The wedding that we planned is already on the way. Everything is all set. I totally didn't expect this.

Alam ba ito ng parents ko? This is typically not the Elijah that I know. Who makes random decision na kasing bigat nito pero ayoko nang magtanong. Ito naman ang matagal ko nang gusto 'di ba? Ito iyong matagal ko nang pinangarap di ba? Pero bakit ang bigat bigat at ang sakit sakit ng dibdib ko? Kung papakasalan ko siya, I will let him go through the pain, my own pain because by this time he will be officially responsible of me.

Kakayanin ko ba iyon? Makakaya ko ba siyang lalong saktan?

Bakit ngaba hindi ko ito na isip noon? When we were just planning, excitement lang ang inisip ko noon. Hindi ko inisip kung anong hirap ang daranasin niya pagkatapos ng kasal namin.

Kasi ngayon hindi na ako sigurado sa buhay ko. Andami kong na realized. Mahal na mahal na mahal ko si Elijah. Sobrang mahal na mahal na mahal. Wala akong naging pangarap at ibang pinangarap kundi ang buhay na kasama siya. Gusto kong matupad ang pangarap ko kasama siya. Tumira kasama siya sa bahay na pinangarap ko kasama ang apat naming anak. Kids that will look exactly like him. Kapareho ng mga mata, ng mga titig niya at ng mga ngiti niya. Mga anak na bunga ng pagmamahalan naming dalawa. Mga anak naming mayayakap at mahahalikan ko araw araw. At mga araw, buwan taon hanggang sa pagtanda na kasama ko siya, nahahawakan at nahahagkan.

The love that we have maybe silent from the very start but it was too deep. Masyadong malalim, sa sobrang lalim hindi na ako makaahon mula sa pagkakalunod. It's beyond the depths of my bones. Baon na baon na sa kaibuturan ng isip ko, sa puso ko mula pa sa simula nang makilala ko siya. Alam kong alam niya na wala akong ibang lalaking nakitang mahalin at mamahalin mula pa noon kundi siya lang.

Kahit walang salita, kahit na titigan lang ng mga mata namin ang mga naging pag uusap namin noon, ramdam na ramdam ko ang puso niya. His silent affection. That strong force draw me even more to love him through each year.

Kaya pala gano'n niya akong tingnan, kaya pala kasi mula sa simula alam niya kung sino ako kahit hindi ako halos namumukhaan ng mga taong nakapaligid sa'kin dahil sa sakit ko, pero sa ibat ibang mga pagkakataong iyon na nagkita kami, kilala pala niya ako.

Elijah's lips maybe be silent but his eyes can never lie to me. I can feel and read through them kahit hindi rin ako sigurado kung bakit gano'n niya akong tingnan noon. I even convince myself na baka nag iilusyon lang ako sa mga titig niyang gano'n. Hindi ako magpapaka epokrita of those times na hiniling ko na sana hiwalayan niya ang girlfriend niya noon but my intentions were pure in sending him gifts and letters. I never wanted to steal him away from his girlfriend but I was just there to let him know of my affection in silence by giving him gifts with letters. Those letters has no I love you's. But it were letters of affection, telling him how I appreciate him for being there and thanking him. Hindi man kami naging physically close noon but we were close in silence. Ramdam na ramdam ko iyon mula sa kanya kahit alam kong may girlfriend siya. I know that he cares for me. He may love her but there was something between us. Something that is deep. Alam ko, kahit hindi pa ako sigurado kung ano iyong nararamdaman niya para sa akin noon.

And from those silence I get to know him deeply, too. I know what kind of person he was. Kaya sobrang laki ng tiwala ko sa kanya that even knowing about that impostor woman didn't make me love him less. Not one bit. Ni katiting walang pagmamahal ko sa kanya ang nabawas kahit may mga alinlangan akong nararamdaman. Kahit nakita ko ang mga hubad nilang litrato ng impostorang babaeng iyon. I will choose to trust him. Kasi sobrang kilalang kilala ko lang ang lalaking mahal ko.

VERONICA (Montero Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon